HFM 48 [Gabriel&Franco]

825 57 1
                                    

Gabriel Salvador

"Bro kaya mo pa?"tanong ko kay Franco ng makita ko na humihingal ito dahil nandito kami ngayon sa Dream Cave.




Nandito ang kailangan namin makuha na magical item na isang dream stone.



3 days bago kami nakarating dito at marami kaming nakaharap na mga halimaw at isa na doon ay mga goblins.




"H-hindi ko akalain iba ang actual na laban"sabi nito habang nakaupo sa isang bato dito sa loob ng cave.



"Iba din kasi ang nakasanayan mo, dito kasi sa Atlancia once na tumuntong ka ng limang taon ay sinasanay kana agad para makipag laban at mag aral ng magic"kwento ko dito habang napapaligiran kami ng barrier dahil hindi rin namin alam kung ligtas ba dito.




Lalo na bago kami makapasok ay napaligiran na kami ng mga halimaw na yun.




"Alam ko kinuwento sa akin ni Dad ang tungkol dito. Kaya kahit papaano mabilis ako makapag adjust. Kaya may alam din ako tungkol sa mundong to"sabi nito sa akin sabay inom ng tubig at ngumiti ako.





"Franco sa totoo lang alam namin na may anak si Tito Francis at kung sakali man dito ka lumaki sa mundong ito. Siguro naging mag best friend tayo lalo na ako lang ang nag iisang lalaki sa grupo"paliwanag ko dito at sa totoo lang naiilang din ako kapag halos ang kasama ko mga babae pero nasanay na din ako dahil sa taon na pinagsamahan namin.




"Hahaha halata nga, kung sakali man kinagagalak ko na maging kaibigan ka Gabriel"napatingin ako dito ng sabihin niya yun at nahihiyang napaiwas ako ng makita ko ang ngiti nito.



"Ako din, kapag natapos ang mission natin ay ililibot kita sa buong Atlancia"sabi ko dito at sinimulan nanamin ulit pumasok sa pinakaloob ng kweba.




"Kailangan natin ng ilaw, sobrang dilim na dito"sabi ko ay nilabas ang isang magical lamp na dala ko. Binuksan ko ito at halos buong sinakop nito ng liwanag ang buong cave.




"Wow lumilipad?"mangha na sabi ni Franco na ikinatawa ko dahil biglang lumipad ang lamp at ngayon ay nasa unahan nanamin.




"Oo, isa pa igaguide tayo nito hanggang sa marating natin ang dulong parte ng cave"sinundan namin ang lamp hanggang sa tumigil ako ng may narinig akong kaluskos.




Dahil may earth magic ako ay naririnig ko ang mga lupa,halaman at kung ano anong bagay na may kinalaman sa earth magic.


Thump!



Thump!




Thump!




"May paparating"bulong ko kay Franco at mabilis na kinuha ang lamp sabay pinatay ang ilaw.




Gumawa ako ng earth wall na makakapag bigay sa amin ng pagtago sa presensya at para na din maiwasan na makita kami.




Kumbaga naging shield ito sa amin at naramdaman ko na nakahawak ako sa waist nito pero hindi ko muna pinansin dahil sa nalalapit na ang mga nilalang na naririnig ko.



"G-goblin"mabilis na tinakpan ko ang bibig nito lalo na matatalas ang tenga ng mga halimaw na ito.



Sumenyas ako dito na wag maingay dahl maaaring marinig kami at ilan sandali lang dumating na ang mga goblins.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now