HFM 13

1.5K 77 3
                                    

Aya Arcavia

Isang araw na lang at mag sisimula na ang paligsahan, ramdam na agad sa buong Arcavia ang kasiyahan.

Lalo na dito sa distrikto 10 dahil ngayong taon na lang ulit sila nagkaroon ng masayang pagdiriwan.

Nalaman ko ito ng iulat sa akin ito ni Ariel, kaya hindi ako nag dalawang isip na magpamigay ng mga pilak na pera at mga pagkain sa buong distrikto 10.

Ang mga kabahayan at mga lugar dito na magugulo at sira ay ngayon maayos na.

Hindi na din makikitaan ng mga namamalimos at nakakaawang itsura ng mga mamamayan dito.

Ilang buwan palang ako namamalagi dito pero nakitaan na agad ng kaayusan ang lugar.

Wala pa din ako nalalaman tungkol sa mga bandido na kumakalat. Kaya sa ngayon tahimik at matiwasay ang lugar na ito.

"Ariel anong ulat tungkol sa mga naglilibot na mga kawal?"tanong ko dito habang pinipirmahan ang mga bagong ulat na pinadala ni ina.

"Sa ngayon po mahal na prinsesa wala pa naman po sila nakakasagupa na mga bandido. At kada oras po ay hindi nila hinahayaan na hindi sila makapag libot at makapag masid sa mga pumapasok at lumalabas ng distrikto 10"napatango ako sa sagot nito at naglabas ako ng maliit na apoy at napansin ko ang gulat sa mga mata ni Ariel.

"Luna"tawag ko sa isa sa mga guardian ko at lumabas ang isang phoenix.

"Prinsesa Aya"masayang tawag nito sa akin. Sa totoo lang nakakapag salita talaga ang mga guardian ngunit hindi pa yun natutuklasan ng ibang kasama ko.

"Bibigyan kita ng misyon, gusto ko siguraduhin mo na walang nakakapasok na mga bandido at iba pa na walang permiso. Kung makita mo na may mga nakakapasok at may nang gugulo, iulat mo agad sa akin o kaya sunugin mo kapag alam mong may masamang tangka"malamig na sabi ko dito at nakita ko na tumango ito. Ilang sandali lang at nawala na ito sa paningin ko.

"Mahal na prinsesa"tinignan ko si Ariel at makikita sa mga mata niya na nagtataka siya.

"Mas gusto ko nakakasigurado sa mga ulat na dumadating sa akin. Lalo na hindi ko ito natitignan at nakikita"paliwanag ko dito sabay tayo at lumabas ng silid ko.

Sumunod naman ito sa akin at hindi na sumagot. Sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko na tila hinihintay ako.

"Aishelle nakita ko ang guardian mo na si Luna"sabi sa akin ni Sabrina.

"May pinapagawa ako sa kanya"sabay lakad sa kung nasaan ang mga kawal na nagsasanay ngayon.

Palihim ako napangisi ng makita ko na naging maganda ang nangyari sa pag sasanay nila.

"Ariel, alam mo na ang gagawin sa mga kawal"nakita ko na tumingin agad ito sa akin.

"Opo mahal na prinsesa"sabay yuko nito at nagpaalam na umalis.

Habang nag uusap usap sila ay nakita ko ang punong kawal ng palasyo ni Ina.

Paglapit nito sa akin ay mabilis itong yumuko at may dalang papel na tila may simbolo pa ng Arcavia.

"Prinsesa Aya, ulat mula sa mahal na reyna. Pinapatawag po kayo sa palasyo"sabay abot nito sa akin at nakita ko na nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko.

Binuklat ko ang ulat at napataas ang kilay ko sa nabasa ko. Magkakaroon kami ng pag pupulong at lahat ng mga Kapitan ng bawat distrikto ay kasama sa pagpupulong.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now