HFM 21

1.4K 74 9
                                    

Thirdperson's POV

Namangha ang lahat ng makita nila ang mga fireworks dahil kahit maliwanag pa ay nakikita pa rin ang mga kulay at hugis nito.

"Handa na ba ang lahat? Masasaksihan na natin ang pinakahinihintay ng lahat, Ang paligsahan sa bawat distrikto ng Arcavia"malakas na sigawan ang sinagot sa taong nasa harapan nila.

"Meron pa na tiyak na magugustuhan niyo ngayon. Ang ating Mahal na Reyna Antonette ay idinagdag para sa kasiyahan ngayon. Magkakaroon ng individual duel dito at maaaring magpalista na doon upang makahabol pa at may natatanggap na premyo ang sino man mananalo"halos lahat ay nasigawan sa narinig pero tinaas ng nag sasalita ang isang kamay nito para tumahimik ulit.


"Ang premyo ay kahit anong kahilingan na gusto niyo ay tutuparin ng Reyna, kahit ano pa yan gagawin niya ang lahat para mapag bigyan ang nais ng sino man ang mananalo"pagkasabi nito ay maraming fireworks ang mas lalong pinaputok ay marami agad ang pumila para sumali sa nasabing duel.

"Hihilingin ko na maging scholar ako sa Atlancia Academy"

"Hihilingin ko naman na magkaroon kami ng sariling lupa"

"Ang hihilingin ko naman ay maikasal kay Prinsesa Aya"

Madami ang napatingin sa isang lalaki na medyo may kapayatan ay may kahabaan ang buhok.

"Ang lakas naman ng loob mo kung yun ang hihilingin mo"

Napatingin ang lahat sa isang malamig na boses ang nag salita, nakilala agad nila ito dahil sa suot nitong armor at kapa na kulay pula.

"Binibining Reina"napayuko ng mga nandoon ng makita nila ito.

Alam nila na anak ito ng pinakamalakas na kapitan Arcavia kaya ganun na lang din ang respeto nila dito.

Madami din ang humanga sa karisma at ganda nito, dahil kamukha din ito ng kapitan ng distrikto 2.


"Kung ninanais mo na mapakasal kay Aya,  sisiguraduhin kong dudurugin kita"napalunok ang binata na nagsabi na gusto niya makasal sa prinsesa.

Mabilis na umalis sa harapan nila ito at ang mga kaibigan naman ng binata ay nilapitan agad nila ito.


"Kung ako sayo baguhin mo na ang kahilingan mo, lalo na alam natin na walang makakatalo kay Binibining Reina"sabi ng isa pang binata sa binatang kinausap kanina lang.


"Nag bibiro lamang ako haha"nginisihan lang siya ng mga kaibigan dahil doon.

"Alam din natin lahat na may gusto si Binibining Reina kay Prinsesa Aya"sabi pa ng isang babae na may medyo kaliitan.

"Ngunit may nasaksihan tayo kanina hindi ba? May humalik kay Prinsesa Aya sa pisngi at ganun din ginawa ni Prinsesa Aya? Yung nakaitim na kapa na may halong ginto tapos nakamaskara?"sabat ng isa pang kaibigan ng mga ito at nanlaki ang mata nila ng may maalala sila.

"Di ba ang itim na kapa ay pinamumunuan ng distrikto 1?"may pagtatakang tanong nila sa isa't isa.


"Hindi sila hawak ng distrikto 1"napalingon ang apat na magkakaibigan ng may makisali sa usapan nila.

"Ehhhhhhh"sabay sabay na sigawan nila kaya marami ng napatingin sa kanila.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung nakisali sa kanila ay isang prinsesa ng karatig bayan.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora