HFM 44 [Kenna&Silvia]

1.3K 61 5
                                    

Kenna Atlancia

Magkasama kami ngayon ni Silvia at nandito kami ngayon sa dorm ko dahil naghahanda kami para sa mission na gagawin.




"Basahin na natin"umupo ako sa tabi nito at binuksan agad ang folder binigay sa amin ni Ate Yuna.





"Saan itong Magic Tower?"tanong ko kay Silvia dahil ngayon ko lang narinig ang lugar na yun.




"Magic Tower ay isa sa lugar na pilit na binaon sa lupa para maitago ang tungkol sa isang lahi na nakalimutan ng lahat. Makikita ito sa pagitan ng Atlancia at Arcavia kung nasaan ng Mystic Forest"paliwanag nito pero naguluhan ako ng sabihin nito ang Mystic Forest lalo na malapit lang dito yun sa Academy.







"Pero wala akong nakita na tower doon sa Mystic Forest"nagtatakang sabi ko dito pero humarap ito sa akin at ngumiti.






"Ang Magic Tower ay matagal ng wala, pero hindi ito bastang nawala lang dahil may ginamit na spell doon para wala ng makakita at magtangka na puntahan yun. Dahil pilit na tinatago yun sa lahat dahil may trahedya na nangyari noon"namangha ako sa paliwanag niya dahil madami siyang alam at wala akong nabasa sa kahit anong aklat ng tungkol sa magic tower.






"Isa pa alam din ito ni Prinsesa Aya"gulat na napatingin ako sa sinabi nito. Ngumiti lang ito at binasa ulit ang nasa folder.






"Kailangan natin makuha ang isang magical item na pag mamay ari dati  ng sinaunang nilalang ng Atlancia at iyon ay ang mga Fairies"napatango ako sa sinabi nito at naalala ko na may tinuro sa amin noon ng tungkol sa mga fairies at isa sila sa mga sinaunang nilalang dito sa Atlancia noon.






"Woah"mangha na sabi ko ng ibigay nito sa akin ang larawan ng kailangan namin makuha sa magical tower.



"Woah"mangha na sabi ko ng ibigay nito sa akin ang larawan ng kailangan namin makuha sa magical tower

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Fairy wand, isa yang magical item na pag mamay ari noon ng fairy queen pero dahil sa pangyayari noon ay ng mawala ang lahi nila ay nawala din ito. Pero may nakapag sabi na may nagtago nito at doon sa magical tower ng mga wizard ito tinago"napansin ko na masyado siyang madaming alam at halos wala sa amin natuturo tungkol doon.






"Kung sakali man na makita natin ang Magic Tower, walang kasiguraduhan na nandoon ang Fairy wand"sabi ko dito at napaisip naman ito sandali pero ngumiti din.





"Wala naman masama kung hahanapin natin, kung hindi man natin makita sabihin natin ang totoo"napangiti ako sa sinabi niya at gumanti din ito ng ngiti sa akin.





"Binigyan tayo ng 3 days na palugit para magawa ang mission. Kaya magdala lang tayo ng maliit na bag para sa konting damit tapos madaming pagkain"sabi ko dito at natatawang tinignan ako nito ng sinabi ko na madaming pagkain ang kailangan namin dalhin.





Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now