HFM 20

1.6K 82 8
                                    

Aya Arcavia

Nauna na sila Ina papunta sa Ruffian Stadium doon lagi ginaganap ang mga paligsahan dito sa Arcavia.

Naikwento sa akin noon ni mama na nakita niya paano makipag laban si Ina sa mga kapitan ng bawat distrikto.

Hawak kamay kaming lumabas ni Lianne at ang mga kasama namin ay nauna na sa Kapitolyo.

"Irna, mauna na din kayo sa Ruffian Stadium"utos ko dito at maging sa mga kawal na kasama ko.

Makikita sa mga mata nila ang pag tutol pero hindi ko na sila binigyan pa ng pansin.

"Maglalakad tayo"sabi ko kay Lianne at tumango ito sa akin sabay kapit sa braso ko.

Nilagay nito ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad kami. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko sa ginawa nito.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang naglalakad kami, napapansin ko nitong nag daang dalawang araw ay lagi ako nakangiti.


Isa pa sobrang gaan at pamilyar sa akin ng pakiramdam na ito tuwing kasama ko siya.

"Yesha"napatingin ako dito ng tawagin niya ako. Tinitigan ako nito sa mga mata at napansin ko na may nag daan na isang emosyon.

Hinawakan ko ang pisngi nito at nakaramdam ako ng tila kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

Kusang gumalaw ang katawan ko ay yumakap dito, pakiramdam ko ay gustong gusto ng katawan ko na laging nakayakap dito.


I miss you my soulmate

Napadilat ako ng tila may narinig akong pamilyar na boses at tinignan ko si Lianne ng makita ko na nakatingin ito sa akin habang naka ngiti.

"May narinig ka bang nag salita?"tanong ko dito pero umiling ito sa akin.

Guni guni ko lang siguro ang narinig ko, nag lakad na ulit kami madami ng nakakilala sa akin kaya habang nag lalakad kami nag sisibati at bigay galang sila sa akin.


"Magandang Umaga mahal na prinsesa"

"Prinsesa Aya sobrang ganda niyo pa rin"

"Prinsesa aya galingan niyo po sa paligsahan"

"Prinsesa Aya"


Tinanguhan ko sila at medyo yumuko ng maliit para magbigay ng pasasalamat sa kanila.

Nagkakaroon na ng mga fireworks dahil mag sisimula na dumating ang mga kalahok.

May mga poster din na nakasabit at habang sa himpapawid naman ay may mga nakalitaw din na malalaking holograma at banner sa bawat sulok dito.


Nakita ko ang sarili kong larawan na nakalabas at hanggang sa nadaanan namin ang nag titinda ng suman.

"Bili tayo ng suman"sabay hatak dito at napangiti na sumunod ito sa akin.

"10 suman nga po"sabi ko sa nagtitinda at napatingin naman ito sa akin.

"P-prinsesa Aya kayo po pala at Serene magkasama pala kayo"mablis na binalot nito ang suman at inabot kay Lianne.

Naglabas ako ng gold coin at inabot dito nanlaki naman mata nito ng iabit ko sa kanya.

"Mahal na prinsesa 10 tanso lang po lahat at wala din po ako panukli kung sakali man"inaabot nito ulit sa akin at napaisip ako sa sinabi nito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now