HFM 5

2K 107 2
                                    

Umagang umaga hindi magkanda ugaga ang mga kawal dahil hindi pa man sumisikat ang araw ay nasa ground na sila para mag ensayo.

"Ikaw na nasa gitna ng ikatlong hanay mas bilisan mo pa ang pagtakbo"sigaw ng kanilang prinsesa at hindi nila inaasahan na ganun pala ito katindi magsanay.

Kita sa mga kawal ang pagiging mas seryoso sa ginagawa nila. Ngayon na lang ulit sila nakaranas ng gantong katinding pagsasanay.

Kahit na ang bagong kapitan ay hindi nakaligtas sa pagiging malupit nito kapag nagkakamali.

"Arnel nahuhuli ka, mas bilisan mo pa"inis na sabi ng kanilang prinsesa aya.

Mabilis naman sumunod ito sa utos ng prinsesa. Kita ang mga tagaktak na pawis sa kanilang katawan.

Habang isa isa sila pinagmamasdan ng kanilang prinsesa at inaalam kung sino ang mas kailangan mabigyan ng antensyon.

"Tumigil na muna ang lahat at magpahinga"sabay talikod sa kanila ng prinsesa.

Mabilis na huminto ang mga kawal at bumagsak sa lupa sa sobrang pagod. Hindi pa sumisikat ang araw ng patunugin ng prinsesa ang malalakas na tambol para pumunta sa pagsasanay.

May nahuli at inasahan na agad nila na pinarusahan ang mga ito agad dahil nagbanta na nung una ang prinsesa nila at ayaw na ayaw nito sa mga nahuhuli.

"Irna"nataranta ang punong dama ng prinsesa ng tawagin siya nito. Medyo nakakaramdam ito ng kaba dahil kita sa mukha ng prinsesa ang tila pagkainis.

"Ano po yun mahal na prinsesa?"tanong agad nito sa prinsesa at napatingin ang dama ng makita na tila tinitignan nito ang sariling kasuotan.

Nakasuot kasi ito ng kulay pula na hapit na hapit na damit na gawa sa balat at ang pants nito na hapit din.

"Irna wala ba akong dress dyan?"naiinis na tanong sa kanya ng prinsesa.

"Wala po mahal na prinsesa, ang dress na tanging meron ka lamang po ay yung kahapon na suot niyo"sabi ng dama dito at nakita niya na tumaas ang kilay nito at alam niya na naiirita lalo na naiinis na ito.

"Maghanda ka isasama ko kayo ng anak mo sa pamilihan sa bayan ng distrikto"sabay alis ng prinsesa kaya maagap na sumunod ito sa utos.

Nakita ng mga kawal ang salubong na kilay ng prinsesa, napansin ng mga kawal na simula dumating ito hindi p  nila nakikita ngumiti ito.

Marami ang humanga sa Prinsesa nila at alam nila sa mga sarili nila yun dahil sa aking ganda na namana nito sa magulang.

Nangingibabaw din ang kulay pula na may halong ginto na buhok nito, isama pa ang asul na asul mga mata nito na tila hihigupin ang kaloob looban mo.

"Ariel"nataranta ang kapitan ng tawagin siya, maagap na pumunta agad siya dito at yumuko para magbigay galang.

"Ano po maipaglilingkod ko mahal na prinsesa?"tinitigan siya ng prinsesa at alam na nito na tila binabasa siya.

"Maiwan ka dito para isanay sila at isasama ko si Arnel sa bayan dito dahil may kailangan ako bilhin"kahit na nagtataka ang kawal ay tumango ito.

"Arnel"tinawag ng kapitan ang bunsong anak nito.

"Ano po yun ama?"tanong nito sa kanyang ama at yumuko agad sa prinsesa.

"Gusto ni Prinsesa Aya na samahan mo siya bayan"

Matapos ay umalis agad sa harapan nila ang kanilang prinsesa, nakita agad nila na tila naghihintay na ang dalawang dama nito at may limang kawal din na kasama ng kanilang Prinsesa.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now