HFM 2

2.3K 135 18
                                    

Aya Arcavia

"Mahal na prinsesa patawad po"nagmamakaawa sa akin ng Kapitan ng Distrikto 10.

Walang awa na tinignan ko siya, nandito kami ngayon sa loob ng opisina ng Kapitan.

Kung puro sira ang mga kabahayan ng mga nandito sa Distrikto 10 ang sa kapitan naman ay halos karangyahan ang makikita mo.

Ang opisina mismo nito ay mismong sa bahay niya, Tinignan ko ang mga kawal dito na nakaluhod din ang mga ikalawang kapitan nito ay kasabwat din niya pagiging kurap.

Naglakad ako para tignan ang labas at nakita ko ang isang malaki na lugar kung saan nagsasanay ang mga kawal dapat pero ngayon ay lahat naka hubad ng pang itaas at mga nakaluhod sa lupa.

Lahat sila ay nilalatigo at maririnig mo ang mga daing nila, ang pinsan ko na si Kenna ang gumagawa.

Gamit nito ang kapangyarihan niya ang pagiging plant manipulator nito kumbaga kaya nito pasunurin ng mga halaman.

Isa pa sa ugali nito ng pinsan ko hindi ito titigil hanggat hindi niya nakikita na nagsisisi ng mga ito.

"Tumayo ka, wag kang tamad"sigaw nito sa isang mataba na kawal at halos lahat ata ng mga kawal dito ay matataba. Maliban pala sa isang lalaki na nasa dulo ng hanay kita ko na sineseryoso nito ang parusa sa kanya.

"Aghhhh"daing ng mga nandoon na lalo na nilakasan ni Kenna ang pag hampas sa mga kawal.

"Mahal na Prinsesa baka mapatay po ni Prinsesa Kenna ang mga kawal"walang gana na tinignan ko ang punong kawal na katabi ko.

"Hindi sila seryoso na magbabago kapag hindi sila nakaranas ng paghihirap"walang emosyon na sabi ko sabay upo sa harapan ng mga kapitan dito.

Kaya hindi ko din pinipigilan si Kenna dahil may kakayahan ito na basahin ang utak ng mga kawal na nandoon.

Base na din sa nakikita ko sa emosyon ni Kenna ay tila may galit ang tingin nito sa mga kawal na nandoon.

"Kapitan Gregor at ang dalawang bise kapitan sumunod kayo"tumayo ako at pinasunod ko sila pati ang mga kawal ko.

Hindi maaari na hindi nila maranasan ang ginagawa ni Kenna sa mga kawal nito.

Nakarating kami kung nasan ang iba pa at napatingin sa akin ng mga ito kasama ang kapitan nila na pinapahila ko ngayon.

"Kenna tigilan mo muna sila"utos ko sa pinsan ko at mabilis naman ito lumapit sa akin at inabutan ito ng dama niya ng inumin at tuwalya na maliit.

"Aya ano naman gagawin sa mga yan"turo nito sa nasa likod ko na mga kapitan dito.

Ngumisi ako dito at nakita ko na ngumiti ito, alam na agad nito ang ibig kong sabihin kaya mabilis na tumango ito.

Mabilis na nilabas nito ang mga halaman na may matutulis na kahit madikitan lang ay magdudugo agad.

"Ahhhhh"tila musika sa pandinig ko ang mga sigawan nila at ramdam ang sakit na ginagawa sa kanila ni Kenna.

"P-patawarin niyo na po kami mahal na prinsesa"umiiyak na sabi ng bise kapitan sa amin. Umiling lang ako kaya mas lalo pa dinamihan ni Kenna ang nilabas niya para parusahan ang mga ito.

"Tigil na Kenna"walang gana na sabi ko at hinarap ang mga nakabagsak na katawan ng mga kapitan. Nakita ko ganun na din ang mga kawal pero maliban sa nakita kong lalaki na nasa huling hanay.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now