HFM 39

1.3K 70 17
                                    

Aya Arcavia

Kahapon naging maayos ang lahat lalo na sa nangyari sa Serillo. Pagtapos nun ay pinuntahan agad kami nila Tita Heria sa garden at syempre hindi nawala ang pagsusukat namin ng mga dress.



Kaya madami kaming bitbit na mga bag dahil halos buong cabinet na ibigay sa akin ni Tita Heria.




Kinuwento ni Tita Fiona sa amin na bago pa ako makapunta dito sa Atlancia ay walang araw na hindi nagpapagawa si Tita Heria ng mga dress sa akin.




Tinawanan nga ako ni Kenna dahil masaya daw siya na kahit papaano may pinagkakahabalahan si Tita Heria dahil kung kamukhang kamukha siya ng kanyang Ina.



Namana naman niya sa mama niya ang ugali nito na halos walang hilig sa dress at accessories dahil para sa kanya ay sagabal lang iyon.



Tinanong ko si Tita Fiona kung bakit hindi na lang ulit mag anak katulad nila Ina pero tumawa lang sila sa sinabi ko.




Dahil masyadong busy sila kaya hindi na rin nila naiisip yun lalo na kung sakali maging pangalawang anak nila ay maging babae ay magkakaroon ng gulo lalo na kung sinanay na nila si Kenna bilang tagapagmana nila.




Sa Atlancia kasi kapag ginusto din ng ikalawang anak na babae ng reyna na maging tagapagmana ay magkakaroon ng paligsahan sa dalawa.




Hindi porket panganay ka ay ikaw agad ang tagapagmana hindi katulad sa Arcavia na kapag panganay ka at babae ka ay ikaw na ang susunod sa yapak ng magulang mo.




Sa maharlika lang naman ang madalas na hindi nagkakaroon ng anak ng lalaki.




Pero kapag nagkaroon ng lalaki sa pamilya ng Atlancia at Arcavia ay ang magiging anak nila ay babae ang lalabas.




Lalo na hindi nga kami normal na nilalang katulad ng mga nasa mortal world.




"Lili mag ayos kana papasok na tayo"napangiti ako ng makita ko si Nini at nakasuot ito ng polo na long sleeve at pants na kulay itim habang hinanda naman nito ang kulay pink na dress ko na binigay ni Tita Heria kahapon.




Simula kahapon ay hindi na nito hinahayaan na bihisan ako ni Irna lalo na magkakaroon kami ng mission na hindi ko maaari dalhin ang dama at kawal ko dahil maaari sila mapahamak.




Kaya itong si Nini sinasanay akong magbihis mag isa at mag ayos ng sarili na medyo kinahihirap ko.




Ikaw ba naman simula isilang ka ay may nag aayos na sayo lagi at nag aasikaso.




"Nini help"paawa ko dito at umiling lang ito sa akin sabay ngumiti din at kinuha ang towel para ipunas sa basang buhok ko.




"Kapag napatuyo ko na itong buhok mo lalabas ako para makapag bihis kana"sabay turo nito sa suot kong robe at namulang umiwas ito na ikinatawa ko.




"Kailangan ko ng tulong mo Nini, lalo na hindi ko kaya ikabit ang bra ko"palihim ako ngumiti dahil sa totoo lang kaya ko naman lalo na tinuruan ako ni Irna noon.




"Lili paano ka matututo niyan kung tutulungan kita?"medyo inis na sabi nito na ikinanguso ko.




"Galit ka Nini?"malungkot na sabi ko at nataranta naman agad ito.





"Hindi Lili, wag kana malungkot tutulungan kita magbihis"sabay buntong hininga nito na ikinangiti ko na lang.




Natuyo na ang buhok ko at sinuklay naman nito na ako dapat gagawa pero kinuha nito sa akin ang suklay.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now