HFM 12

1.5K 77 11
                                    

Aya Arcavia

Nandito ako sa silid ko sa tinutuluyan kong tahanan sa distrikto 10, hindi masyado kalakihan pero kasya naman ang mga sampung tao.


Walang gana na tumingin ako sa mga ulat na bagong dati ulit. Kada araw ay mas lalo dumadami ang ulat na pinapadala ni Ina sa akin.


Dumagdag pa sa isip ko yung pustahan namin ni Ina sa darating na paligsahan na magaganap sa Arcavia.


Flashback...

"Ina, bakit hindi ako pwede magsuot ng dress?"tanong ko kay Ina habang magkausap kami sa communication ball.


Nalaman kasi nito na bibili dapat ako sa bayan nung araw na wala kami nakita noon sa pamilihan dito sa distrikto 10.


Lalo na naisip ko din sabihan si Tita Heria tungkol sa dress na gusto ko ipadala niya sakin.


Ngunit pinigilan lahat ni Ina ang pagpapadala at ng pinabili ko sa bayan dito.


"Kailangan mo na masanay na yan ang suot mo"tukoy ni Ina sa pants na suot ko.


"Ina, dito na ako nasanay at isa pa kahit sinasanay niyo ako ni mama ayos lang naman sa inyo"nakasimangot na sabi ko dito.


"It's a no Yesha, huwag mo sasabihin ito kay Raine dahil mag aaway kaming dalawa"matatag na sabi nito sabay hina sa boses niya ng banggitin niya si mama.



"Mama will be mad, kapag nalaman niyang hindi ako nag susuot ng dress"medyo may pag banta na sabi ko kay Ina. Nakita ko na lumamig ang tingin nito sa akin na medyo ikinaba ko pero nagpakatatag ako sa harapan niya.



"Yesha, hindi ako natatakot"napangisi ako ng mabasa ko sa mata niya ang nag daang kaba.


"Ina, pumayag kana sa dress ipapadala na agad ni Tita Heria yung mga dress na pinagawa niya for me"pagmamakaawa ko kay Ina at nakita ko na seryosong tinignan lang ako nito.


"Fine, pero sa isang kondisyon"ngumisi ito sa akin at kinabahan ako sa ngiti nito. Alam ko na kung ano meron sa ngiti ni Ina.


"What is it?"napansin ko na nagagamit ko na ang isa pang lengwahe ng Atlancia.


"Pustahan, kapag nanalo ang hinahawakan mong distrikto sa darating na paligsahan kahit ako pa mismo magpadala ng mga bagong dress na gusto mo. At kahit anong hiling mo pa gagawin ko"seryosong sabi nito sa akin at ikinangiti ko.


Lahat ng gusto kong dress ay makukuha ko at kahit anong hilingin ko ibibigay ni Ina.


"Pumapayag ako Ina, ngunit anong kapalit kapag natalo ako?"sabi ko dito at nakita ko na ngumiti ito.



"Kahit kailan hindi kana makakapag suot ng dress at sasabihin mo sa mama Raine mo na ayaw mo na sa mga dress"ngumisi ito sa akin at napasimangot ako sa sinabi nito.


"Ina, magagalit si mama kapag sinabi ko sa kanya yun"nakangusong sabi ko sabay padyak at nakita ko na ngumiti ito saglit.


"Totoo, lalo na siya may gustong gusto na nagsusuot kayo ng dress ni Spring"tumatango na sabi pa nito.


"Pero yun pa rin ang gusto kong gawin mo"dugtong pa nito at mas lalo ko ikinasimangot.


"Fine, this time Ina mananalo na ako sa pustahan natin"malamig na sabi ko kay Ina at nakita ko na ngumiti ito ng nang aasar.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now