HFM 27

1.4K 72 4
                                    

Kenna Atlancia

"Nasaan na ba siya?"tanong ko sa mga dama ni Aya dahil tatlong araw na ito nawawala.


Hindi natuloy ang indivual battle dahil matapos ihatid ito ni Aya nung kumain sila sa labas ay hindi namin namalayan na umalis pala ito.


"Summer wala pa bang balita kay Autumn?"nag aalalang sabi ni Tita Cheska habang nasa tabi nito si Ashley.



"Ang huling sulat na iniwan lang niya ay babalik siya ng distrikto 10 dahil nagkaroon ng emergency"sabi naman ni Tita Antonette na pilit kinakalmado ang sarili.


Habang nag uusap sila ay napatingin ako sa malaking bintana dito sa palasyo.


Makikita na nagpapatuloy pa din ang festival dahil pina extend ito ni Tita Antonette para hindi mapansin ng mga mamamayan ng Arcavia na may problema ngayon dito.



"Silvia nasaan si Serene?"tanong ko dito at gulat na napatingin ito sa paligid ng hindi niya mapansin si Serene.


"Nasaan si Serene"kabado na sabi nito kaya napatingin ang lahat sa kanya.


Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Tita Antonette ng hindi niya mapansin si Serene.


"Tawagan niyo si Serene"utos nito kay Krystal at mabilis na naglabas ng communication ball para matagawan si Serene.


"H-hindi siya macontact mahal na reyna. Mukhang ilang araw na din siya wala dito at ang kasama natin ilang araw na ay isang clone"paliwanag ni Krystal dito at nakita ko na biglang napaisip si Tita Antonette.


"K-kailangan niyo mahanap si Serene, baka mawasak ang buong Arcavia kapag hindi natin siya mahanap"nagtatakang napatingin kami dito ng sabihin niya yun at alam namin sa sarili namin na seryoso ito sa sinabi niya.


Dahil makikita ang lamig na binibigay nito na tingin at seryosong boses nito na tila nagbabanta.


Mabilis na umayos ng tayo ang apat na magigiting na kawal ni Tita Antonette at sabay sabay yumuko ang mga ito.



"Masusunod po mahal na reyna"napakurap lang kami ng bigla sila mawala sa paningin namin.



"May ulat na ba sa distrikto 10"nakita ko ang isang kawal ni Tita Antonette.


"Parating palang po ang mag uulat sa inyo mahal na reyna"pagkatapos nito sabihin ay mabilis na bumukas ang pintuan ng bulwagan at pumasok ang isang kawal na hingal na hingal.


"M-mahal na reyna masamang balita, ang distrikto 10 wasak na wasak po pero ang mga mamamayan doon ay nakita po namin sa isang bundok na malapit sa distrikto 9 kaya ngayon po ay nililipat na po sila para mabigyan ng pagkain at mapagpahinga po dahil walang makapag kwento ng nangyari sa kanila"nakaluhod na pag uulat nito kay Tita Antonette.


"Ang ibang kawal? Si Ariel ang kapitan nakita niyo ba?"tanong pa ulit ni Tita Antonette dito.


"Opo mahal na reyna, kasama ko po siya ngayon"pumasok ang isang sugatan na lalaki at makikita na balot na balot ito ng gasa.


"Ariel anong nangyari?"hindi makapaniwalang sabi ni Tita Cheska dito.


"M-mahal na reyna patawad po, h-hindi namin alam na malaking pinsala na ang nangyari ng makabalik kami ni Prinsesa Aya sa distrikto 10 ng may mag ulat sa kanya tungkol sa nangyayari sa distrikto 10"nang hihina na sabi ni Tito Ariel at napahawak naman sa bibig si Tita Cheska.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now