HFM 46 [Sabrina&Joyce]

891 53 3
                                    

Sabrina Vergara Gariones

Sa ngayon ay inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko para sa mission na gagawin namin.


Ang lugar ng mission namin ay sa Lotus Water Garden, matatagpuan ito sa West Atlancia at isa ito sa mga sinasabing Curse Land dahil sa marami ang namamatay kapag napupunta sa lugar na yun.


Sa totoo lang marami pa ang hindi nauungat tungkol sa mga nakaraang nilalang ng Atlancia at Arcavia.


Ngunit napansin ko na tila iniiwasan yun ituro sa amin at sinasabi na hindi na sila maaaring ikwento lalo na hindi sila maaaring mabuhay pa sa mga isipan ng nilalang dito.


Yun ang kwento sa akin noon ng Ina ng akin Ina na isang White witch. Matapos ko ayos at magbihis ay siya naman pag dating ni Joyce.



"Tapos kana? Halika na ang tanggal mo"inip na sabi nito na ikinairap ko. Sa totoo lang simula ng magkilala kami nito ay puro away ang ginagawa namin.


"Huwag mo ako pagmadaliin, at is pa isa akong prinsesa kaya wag kang bastos"malditang sabi ko at napansin ko na natahimik ito at tumalikod sa akin.



"Opo mahal na prinsesa"mahinang sabi nito at nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa sinabi ko.



"Hay, halika na Joyce"hinawakan ko ang kamay nito at napansin ko n nabigla ito sa ginawa ko pero ngumiti din.


Kinuha nito ang isang bag ko at sabay na kami lumabas ng dorm ko. Iniwan ko muna si Sally kay Ashley lalo na mahirap na silang maiwan mag isa dahil boring yun.


Hanggang sa nakarating kami ng pagkikitaan nila Ate Yuna sa isang gate ng Academy.


"Sabrina at Joyce ikabit niyo ang tracking device at siguraduhin niyo na hindi niyo mawawala yan ah. Lalo na may 5 days kaya para magawa niyo ang mission"paalala nito at mabilis na nilagay ang tracking device sa gilid ng damit namin.


"Para mas mapabilis kayo ay dito kayo daan sa gate na. Ito kung maglalakad kayo ay maaaring makarating kayo ng 2-3days kung gaano kayo kabilis o ano man ang gawin niyo para makarating sa Lotus garden. Isa pa mag iingat kayo lalo na may portal doon na bukas maaaring may lumabas n mga halimaw kung sakali man"tumango kami dito at ilang sandali lang matapos kami nito kausapin ay nagpaalam na ito.


"Itong map ang magiging guide natin"nilabas nito ang isang hologram at nakita ko ang buong mapa ng Atlancia at nakita ko ang palatandaan ng pupuntahan namin.




"Simula na natin maglakad"sabi nito sa akin at sinimulan nanamin. Habang naglalakad kami ay nagiging alerto din kami lalo na at delikado ang panahon ngayon.


"Pagod na ako"reklamo ko dito ng mapansin ko na malayo na din ang narating namin.



"Ano ba? Hindi pa tayo nakakatagal ng lakad nagrereklamo ka agad? Hindi tayo makakarating doon ng tama sa oras. Siguro mga 5 days nandoon na tayo kung kailan tapos na ang deadline natin"galit na sabi nito na ikinasimangot ko. Sa totoo lang hindi ako sanay na naglalakad. Bakit kasi hindi pa kami binigyan ng sasakyan na maaaring magdala sa amin doon.



"Bakit nagagalit ka?"inis na sabi ko dito at napansin ko na natigilan siya at napasabunot sa buhok.


"Bakit ikaw pa kasi ang naging partner ko? Pwede naman si Prinsesa Arrianne"natahimik ako sa sinabi nito at tila may kirot ako naramdaman.



"Edi sana umalma ka kay Prof. Yuire na ayaw mo pala ako kasama sa mission"galit na sigaw ko dito at natigilan naman ito sa sinabi ko at tinignan ako.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now