HFM 11

1.5K 64 3
                                    

Arrianne Belle Silvestre Salvador

"Aya!"sigaw ko dito ng lumabas agad ito sa hologram at nakita ko din si Gabriel na nakahologram din.


"Anong meron?"tanong ni Gabriel dito habang nakangiti. Nakita ko sa screen na tinititigan nito si Aya.

Alam naman ng lahat na may gusto itong pinsan ko kay Aya.


Kaya lang hindi yun masusuklian dahil may nalaman ako noon kila mama pero hindi ko muna sasabihin.


"Sanayin niyo sila para sa darating na paligsahan, wag kayong mag alala alam ko may kapalit yan"walang gana na sabi nito habang pinipirmahan yung mga bagong ulat sa kanya.


Tinignan ko lang ito at napabuntong hininga, sa totoo lang si Aya ay mas nauna siyang sinanay sa pagiging tagapagmana ng Arcavia.


Noong mga bata palang kami ay hindi namin ito madalas makasama dahil sa mga tinatapos nitong ulat para kay Tita Antonette.


Hindi naman din hinayaan nila Tita Antonette na hindi maranasan ni Aya ang pagiging bata lalong lalo na ni Tita Cheska.


Kaya hindi rin maitatanggi ang aura nito kung minsan kaya hindi kami makapag salunggat sa kanya dahil alam namin na mas anggat siya sa amin.


"Isang linggo lang naman na pag sasanay gagawin niyo sa kanila, pag natapos ay si Ariel na ang bahala maghanda hanggang sa dumating ang paligsahan"paliwanag nito sa amin ng mapansin niya tumahimik ako.


"Sige pero magpapaliwanag ka pa rin sa amin Aya, at mukhang may pustahan nanaman na naganap dito"sabi ko dito at ngumisi naman ito na ikinailing ko.



"Kaya pala madaling madali ka na sanayin namin sila Aya, pero kanina ka ba nakipag pustahan ulit?"tanong dito ni Gabriel. Tinignan ko agad si Aya at may nakita akong kaba na dumaan sa mga mata niya.


Napairap na lang din ako sabay ngiti dito at napansin naman ito ng pinsan ko na si Gabriel.


"Kay Tita Antonette ba?"tanong ko agad dito.


"Oo"sabay balik ulit nito sa ginagawa niya.


"Pag balik namin doon mo na lang ipaliwanag ang lahat"sabay paalam nanamin sa isa't isa.


Matapos mababa ang tawag ay tinignan ko ngayon ang mga kawal na nag sasanay ng mga espada nila.


Lumapit ako sa isang kawal na malapit sa akin. Napansin ko dito na tila mabagal ang kilos niya.


"Ikaw, ganito ang tamang pag hawak ng espada"sabay kuha sa kanya at pinakita ang postora ng pag hawak sa espada.


"Salamat po mahal na prinsesa"pasasalamat nito at sabay yuko sa akin.


Tinanguhan ko lang ito at tinignan ulit ang iba pa. Hanggang sa makarinig kami ng mga pag sabog na nagaganap.


Nataranta agad ang mga kawal pero tinaas ko agad ang isang kamay ko para mapatigil sila.


"Huwag niyo pansinin ang mga pag sabog na yun, intindihin niyo ang sariling pagsasanay na ginagawa niyo"seryosong sabi ko sa kanila at kahit naguguluhan sila at kita sa mga mata nila ang takot nagpatuloy sila.


Nilabas ko ang mga communication ball ko at automatic ko itong pinalipad.


Tinawag ko yung apat na dahil sa kanila nang gagaling ang mga pag sabog na naririnig ko dito.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now