HFM 24

1.3K 77 4
                                    

Aya Arcavia

Napangiti ako sa naging huling laban iba talaga mag isip si Tita Jade lalo na sa military strategy.

Matapos ang laban ay nagkamayan na silang dalawa ni Tito James at Tita Jade.

Hanggang sa napansin ko na napatingin sila sa gawi namin. Tamang sabihin sa gawi nila Lianne.

Pasimple ako nag observe sa kanila at nakita ko yung apat na kasama ni Lianne na nakangisi sa kanila habang itong nasa tabi ko ay blanko ang tingin na binigay.

"Lianne"napatingin ito sa akin ng tawagin ko siya.

"Mag aayos lang ako para sa laban namin"hinalikan ako nito sa noo sabay punta sa mga kasama niya.

Sabay sabay silang umalis para puntahan si Ina at Mama na tila hinihintay sila.

"Aya, sa tingin mo mananalo kaya sila kila Tita Reign?"napatingin ako kay Kenna ng magsalita ito at nasa tabi ko na pala sila.

"Well gusto ko masaksihan kung gaano sila kalakas"sabi naman ni Sabrina.

"Magugulat na lang kayo, ilang minuto palang tapos na ang laban"napatingin kami ng sabihin yun ni Ate Julian.

Ilang taon din ng huli ko sila makasabay sa pag eensayo yung apat na kasama ni Lianne pero nacucurious din ako kay Lianne dahil tila may kakaiba dito.

Hindi ko mabasa ang aura na meron sa kanya at magaling siya magtago dahil doon hindi ko malaman kung gaano siya kalakas.

-----

Thirdperson's POV

"Mga mamamayan ng Arcavia magkakaroon ng isang espesyal na labanan sa pagitan ng Distrikto 2 at  ang mismong tagapag bantay ng Reyna"

"Silang lima? Laban sa Distrikto 2?"

"Gusto ko makita ang lakas nila"

"Kaya pala mga naka maskara sila  dahil sila pala ang personal guard ng reyna"


Nagkaroon ng malakas na sigawan at bulungan ng makita nila ang limang naka maskara at nakita nila ang kulay itim na kapa may halong ginto at simbolo ng Arcavia ang mismong korona ng Reyna.

Sa gawi naman ng Distrikto 2 ay nagkaroon ng pagpupulong bago mag simula ang laban.

"Gusto ko magkaroon tayo ng pagkakaisa lalong lalo na ngayon. Dahil hindi basta bastang nilalang ang makakalaban natin"pag uumpisa ng kapitan nila.

"Kapitan ngayon lang po namin sila nakita, gaano po ba sila kalakas?"Tanong ng isang kawal dito at nakita nila na pasimple itong tumingin sa gawi ng lima habang kausap ang reyna.

"Special Soldier sila ng reyna, at alam niyo din na wala pa nakakatalo sa reyna tama ba?"pagtatanong nito sa mga kawal at tumango naman ang mga ito dahil nakita nila kung gaano kalakas ang kanilang reyna at hindi pa nila nakita na natalo ito.

"Yung nasa gitna na may kulay itim at gintong maskara siya ang lider. Siya ang nilalang na nakatalo sa Reyna at kahit na kailan hindi pa rin ito matalo ng Reyna tuwing nagkakaroon sila ng pagsasanay"paliwanag niya sa mga kasamahan niya at alam niya sa sarili niya na kung hindi niya matalo ang Reyna noon paano pa kaya sa nakatalo na sa Reyna.

"Ibig sabihin Kapitan may mas malakas pa sa Reyna natin? At ang kalaban pa natin yun?"kita ang mga takot at kaba sa mga mata nila.

"Huwag niyo iisipin na matatalo agad tayo dahil sa nalaman niyo. Pero asahan niyo na hindi siya basta bastang kikilos kung hindi natin natatalo ang apat na kasamahan niya.  Gusto ko kung ano ang plano natin yun pa rin ang masusunod lalo na pinag handaan na natin ito, maliwanag ba?"pag papaalala nito sa mga kasamahan at ang ibang kawal ay tinignan ang makakalaban nila.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon