HFM 4

2.1K 116 10
                                    

Aya Arcavia

Nakarating na kami sa tarangkahan ng distrikto 10, bago kasi makapasok sa bawat distrikto ay may malalaking mga nakaharang sa bawat pagpasok.

Natanaw ko agad ang tarangkahan at alam agad ng mga kawal na kung sino papasok.

Habang papasok ang sasakyan ko ay nagsiyukuan sila, mukhang sinabi na sa kanila ni Ariel na paparating ako.

Pagpasok ko na sa mismong distrikto 10 ay nakita ko na inaayos na ng mga kawal at ng mga iba pang mamamayan ang mga bahay bahay dito.

Gamit ang mga mahika nila ay napapabilis ang pag aayos ng lugar dito.

Nakarating na kami sa dating bahay ng Kapitan at pinagawa ko na talaga itong opisina ng Kapitan lalo na mismo din sa lupa na ito na nagsasanay ang mga kawal.

Pagbaba ko sumalubong agad sa akin si Ariel nasa gilid nito si Arnel na anak niya.

Yumuko sila sa akin ng tuluyang nakalapit na ako sa kanila, tinignan ko ang paligid at halos lahat ng mga kawal ay nag eensayo na.

Isang araw palang ang lumipas pero makikita agad ang pagbabago na nangyayari dito sa distrikto 10.

"Magandang umaga mahal na prinsesa aya"mga bati sa akin ng mga kawal ng makita ako.

"Mahal na Prinsesa Aya saan po namin lalagay ang mga gamit niyo po?"napatingin ako sa dama na nagtanong sa akin. Napansin ko tila bago lang ito napataas ang kilay ko ng titigan ito.

"Mahal na prinsesa paumanhin po sa tanong ng aking anak"sabi ng kakarating lang na dama ko. Isa ito sa mga nagbabantay sa akin simula bata palang ako.

"Ituro mo na lang sa kanya Irna kung saan lalagay ang mga gamit ko"utos ko sa punong dama ko at yumuko naman ito sa akin at ang anak nito na tila natauhan sa ginawa.

Habang papalayo ako kasama sila Ariel ay narinig ko na pinagalitan nito ang anak.

"Ano ka ba naman Inna mali ang ginawa mo na paglapit sa prinsesa, buti na lang ay hindi ka pinarusahan"hindi ko na narinig pa ang pag uusap nila ng makalayo na ako sa kanila.

"Ariel ipatawag mo ang lahat ng kawal ng distrikto 10"utos ko dito ng makapasok na ako sa mismong opisina dito.

Ang opisina na ito ay medyo malayo sa tutuluyan ko na bahay dahil inutos ni ina sa isang maliit na bahay lang ako maninirahan muna.

Nakita ko din ang mga damit na nilagay ng mga dama ko nung inayos nila. Inutos daw sa kanila ni Ina na huwag na huwag ako gagamit ng mga dress.

Napasimangot ako ng makita ko na wala kahit isang dress bukod sa suot ko ngayon na damit.

"Prinsesa Aya?"natigilan ako sa pag iisip sa mga damit ko ng makita ko na tila nag aalalang tawag sa akin ni Ariel.

"Ano yun"sabay tayo ko sa pagkakaupo ko.

"Nasa ground na po ang lahat ng mga kawal mahal na prinsesa"sabi nito at mabilis na naglakad ako palabas para pumunta doon.

Nakita ko na nag ayos ang lahat, unang tinignan ko agad ang uniporme nila.

Lumapit ako sa isang kawal na nasa unahan. Ang isang manggas ng suot nito ay lukot.

"Prinsesa Aya?"nagtaka na tawag sa akin ni Ariel pero hindi ko ito pinansin. Lumapit ako sa nakita kong kawal dito.

Makikita sa mga mata nila na kinakabahan sila sa gagawin ko, lalo na nakita nila at naranasan kung paano ako magparusa.

"Ikaw na nasa unahan ko, unang una sa lahat, makinig kayo sa sasabihin ko. Ayaw na ayaw ko na hindi maaayos ang uniporme niyo lalo na kapag haharap kayo sa akin"sabay hila sa kawal na lukot ang manggas ng damit.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now