HFM 40

1.2K 59 10
                                    

Serene Heaven

"Irna, kayo na muna bahala dito sa dorm. Kailangan nanamin umalis ni Nini"rinig kong sabi ni Lili sa dama niya at nakita ko tila tutol ang dama at mga kawal niya na hindi sila isama.




"Mahal na prinsesa, hindi naman po pwedeng hindi niyo kami isama lalo na po kailangan namin protektahan kayo"sabi ng isang kawal niya pero umiling lang si Lili dito.




"Hindi, dahil sinabi ko na din kila Ina hindi ko kayo isasama. Lalo naaaaring masawi kayo at kaya hintayin niyo kami makabalik dito"malamig na sabi nito at may magsasalita pa sana ng tignan ito ng malamig ni Lili.





"Mag iingat po kayo mahal na prinsesa, hihintayin ka po namin"maluha luhang sabi ng dama ni Lili at niyakap ito ni Lili na ikinagulat ni Irna.





"Makakabalik kami ng ligtas at sa susunod hahayaan ko ulit na pagsilbihan ako"pagkatapos sabihin yun ni Lili ay lumaki ang ngiti ng dama niya.




Dahil sa nabilinan nanamin ang lahat ay umalis agad kami ng dorm. Hindi pa sumisikat ang araw ng umalis kami dahil gusto ko na mapabilis ang pagbalik namin ni Lili.





"Irna, kung sakali man si Spring na muna ang bantayan niyo. Lalo na makulit ang batang yun"dagdag pa ni Lili sa dama at tumango naman ito.



Hinawakan ko agad ang kamay nito ng makalabas na kami ng dorm kumaway ito sa dama niya at hanggang sa nakarating kami sa portal papunta ng mortal world.





"Aya and Serene"nakita namin si Yuna na hinihintay kami dahil sinabihan ko ito na ngayon ang alis namin.





"Ate Yuna"ngumiti ito kay Lili ng matapos ay tinignan kami nito ng seryoso.





"Aya, nasabihan ko na sila lolo at lola sa mortal world na doon kayo titira ng 1 week. Kaya hinihintay na nila kayo. Isa pa mag iingat kayo dahil ang pupuntahan niyo ay isang lugar kung saan pinakadelikado sa mundo ng mga tao. Hanggat maaari huwag niyo hahayaan na magamit ang kapangyarihan niyo dahil hindi normal yun sa kanila"paalala nito sa amin at tinanguhan namin ito. Yumakap ito sa amin sabay dinala kami sa portal para makalabas na kami.





"Good luck"huling rinig na sabi nito sa amin ng makapasok na kami.




Paglabas namin ay bumungad sa amin ay mga malalaking puno. Mukhang nasa kagubatan kami sa isang liblib na lugar. Pamilyar na sa akin ito dahil dito kami nang galing nung nakaraan.





"Nini, may sasakyan doon oh"napatingin ako sa tinuro nito. Pinuntahan namin ito at ng makalapit kami ay biglang may lumabas na isang lalaki.




"Good morning Ms. Aya and Ms. Serene"tinitigan namin ito at ilang sandali lang ay ngumiti ito na tila naiilang sa ginawa naming pagtingin sa kanya.




"Ahm ako po pala si Carl ang driver ng mga Menuer at taga Atlancia din po ako. Kinuha po ako bilang tagabantay ni Ms. Tory"pakilala nito at tumango naman ako. Binuksan nito ang sasakyan at pumasok agad kami ni Lili.




Nilagay niya sa likod ng sasakyan ang isang bag ko at ang isang maleta na dala ni Lili.




Sa totoo lang muntik na maging tatlong maleta ang dalhin nito kung hindi ko pa chineck ang mga pinaglalagay niya.




"Nini, Inaantok pa ako"bulong nito sa akin na ikinangiti ko. Nilagay ko ang ulo nito sa balikat ko sabay haplos sa buhok niya na sinusuklay ng daliri ko.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now