HFM 33

1.2K 73 2
                                    

Aya Arcavia

"Good Morning Elite Section"masayang bati ni Ate Yuna siya ang magiging instructor namin at siya din ang mag hahandle sa amin.

Napatingin ako sa paligid at napailing na lang dahil ang Elite Section ay kami kami lang din ang magkakasama.

"Aishelle alam ko yang iniisip mo, Don't worry hindi lang kayong anime ang magkakasama dito. May anim pa na dadagdag din sa inyo"napatango na lang ako sa sinabi nito.

Mabuti naman din kahit papaano may iba pa kami makakasama. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba ng mapansin ko na tila nakangiti ng malaki sa akin si Ate Yuna.

"Darating ang anim na bagong students bukas sa ngayon ay kayo muna ang magkakasama"dugtong pa nito sa sinabi niya kaya tumango na lang din ako.

"Aya akala namin kung saan ka nanaman nagpunta, huwag ka nga nawawala bigla dyan"tinignan ko si Kenna at inirapan ito dahil katabi ko nanaman pala ito.

"Dahil first day palang naman at wala pa ang ibang makakasama niyo. Magiging free time niyo muna ito at pwede kayo maglibot muna sa Atlancia"napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Ate Yuna.

"Aya ililibot ka namin sa Atlancia di ba gustong gusto mo mapuntahan ang Atleria City? Kung saan unang nag date ang magulang mo"malamig na tinignan ko si Kenna at nilayo ko agad ang tingin ko dahil sa sinabi nito.

"Babalik na lang ako sa dorm at matutulog"malamig na sagot ko dito at nakita ko na ngumiti ito ng malungkot dahil sa naging sagot ko.

"Sasamahan kana lang namin Aya"singit naman ni Sabrina pero umiling lang ako dito.

"Irna let's go"tumayo na ako at sumunod naman agad sa akin ng dama ko pati na ang dalawang kawal.

Alam ko na pinapanood lang ako ng lima habang palabas ng classroom at alam nila wala akong gana na maglibot.

----

Kenna Atlancia

"Mas naging mailap na siya"malungkot na sabi ko sa mga kasama namin.

"Hayaan niyo muna siya kilala natin si Aya, kapag may iniisip siya gusto niya lagi mapag isa"sabi naman ni Ate Julian kaya napatango na lang kami.

Pero pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Ate Yuna tungkol sa magiging anim na bagong kaklase namin.

Sa totoo lang simula pumasok kami dito sa Atlancia ay kami lang ang magkakasama dahil na din sa may dugong bughaw kami ay iba pa sa amin ay magiging tagapagmana na mga magulang namin.

Kaya lang si Aya ay ngayon taon lang namin makakasama mag aral dahil na din sa ngayon lang pumayag si Tita Antonette na pumasok ng Academy ito.

Alam namin na may nangyari noon kay Aya ng papasok sana ito ng Academy nung limang taon na gulang ito pero hindi namin alam kung ano yun.

"Kain na tayo"napatingin kami kay Gabriel ng mag aya ito. Tumango kami dito dahil nagugutom na din naman ako.

Sana magkaroon pa kami ng isang lalaki na kaklase para hindi na nag iisa itong si Gabriel.

Paglabas namin ay madaming estudyante ang nasa hallway pa din dahil first day palang naman kaya hindi pa mahigpit.

Makikita sa mga nandito na masasaya silang nagkita kita dahil sa nagkaroon ng matagal na break ang Academy.

"Krystal?"napahinto kami ng magsalita bigla si Ate Julian na tila may tinatawag.

Humarap sa amin ang dalawang babae at napansin ko agad ang isang babae na kulay lila ang buhok.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora