Epilogue

2.1K 70 5
                                    

Aya Arcavia

Nandito ngayon ang lahat ng mga namumuno sa Atlancia at Arcavia. Dahil pag uusap ang nagaganap na kaguluhan ngayon.





"Antonette saan ba nagsimula ang lahat ng nangyayari dito ngayon?"tanong ni Tita Heria kay Ina na ngayon ay malamig na tingin ang binibigay sa lahat.






"Alam niyo ang nangyari noon, kung paano natalo ang Dyosa na si Selina. Nagbitaw siya ng salita na hindi pa tapos ang lahat. At ito na ngayon iyon kung saan may mga lumalabas na mga halimaw at demons na hindi dapat na nandito sa mundo natin"pagsisimula ni Ina at mariin na nakikinig ang lahat.





"Sa ngayon ay hindi pa natin nakikita kung sino ang mga tunay nakalaban maliban kay Dyosa Selina. Impossible na siya ang gumagawa ng lahat ngayon. Kaya sa ngayon ay kailangan natin mahanap ang Portal User"napahinto sa pagsasalita si Ina ng biglang magsalita ang isa sa mga council ng Atlancia.






"Portal user? Impossible na may nabubuhay pang portal user dahil matagal na panahong wala na sila sa mundo natin"gulat na sabi ng isang council at lahat kami napatingin sa kanya.





"Maaaring ang alam ng lahat ay wala ng nabubuhay na portal user dahil yun ang ginawa nila. Paano niyo mapapaliwanag ang mga lumabas na portal sa bawat distrikto at lalawigan ng Atlancia at maging sa Arcavia kung wala ng nabubuhay na portal user?"malamig na sabi ni Ina dito at natahimik naman ito sandali at nagkaroon ng mga bulungan sa paligid.






"Alam ko marami ang naguguluhan sa inyo dahil matagal ng binaon sa limot ang lahat ng mga sinaunang nilalang dito sa mundo natin. Sa ibang panahon ay pag uusapan natin ang tungkol sa mga naunang nilalang dito"pagbibigay diin ni Ina na tila na nababanta kapag may tumutol pa sa kanya ay may makakatikim ng galit niya.





"Balikan muli ang pagtalakay, sa ngayon kailangan natin mahanap ang user na yun. Dahil hindi mawawala ang mga portal na yun hanggat hindi sinasara ng mismong gumawa. Sa ngayon mas lumakas ang mga halimaw na sumugod sa Atlancia at maging sa Arcavia. Alam natin na pinaghandaan natin ang lahat ngunit hindi natin akalain na mismong sa loob ng mga lalawigan at distrikto ay may portal na lalabas. Habang pinag aaralan pa ang mga ibang kahinaan ng mga demons sa ngayon kailangan muna natin maghanda sa darating pa na mga delubyo"napahinto saglit si Ina at napabuntong hininga sabay tingin ulit sa lahat.





"Lalo alam nating lahat na umpisa palang ito, hanggat maaari magkaisa tayong lahat para bumalik sa lahat ang dati. Walang civilian na lalabas ng mga underground at ang tanging lalabas lamang ay ang mga kawal ng bawat kaharian. Mga may malalakas na kapangyarihan na gagawa ng mission para maghanap o magkalap ng impormasyon na maaaring makatulong sa atin"napapikit si Ina na tila may iniisip hanggang sa dumilat ulit ito.






"Sa ngayon ang Palasyo ng Atlancia,Arcavia at ang Academy ay ligtas dahil sa mga barrier na ginawa gamit ang apat na elemento. Ngunit kailangan mas higpitan ang seguridad ng tatlong lugar na yun dahil kapag nawala din ang lugar na yun sa atin mas hihirap ang sitwasyon natin. Lahat ng mga mag aaral sa Academy ay tuturuan lahat lumaban gamit ang mga armas at kapangyarihan. Lahat ng mga kawal ay pag tutuunan din ng pansin upang mas mapatibay ang mga depensa natin. Sa ngayon ito palang ang magagawa natin lalo na hindi pa natin nakikita ang mukha ng mga kalaban"malamig na sabi nito at hanggang sa may nagtaas ng kamay at nakita ko si Tita Genievive pala ito.





"May nakakalimutan ka Antonette, ang palasyo ng South Atlancia at maging sa East Atlancia ay ligtas pa"sabi ni Tita Genievive kay Ina at umiling lang si Ina dito.






Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now