HFM 34

1.3K 87 7
                                    

Aya Arcavia

"Irna mauna na kayo sa dorm dito muna ako sa garden"malamig na utos ko sa kanila.

Tututol sana ito ng bigyan ko sila ng malamig na tingin. Mabilis na umiwas sila ng tingin at sabay yuko.

Nang maramdaman ko na wala na sila ay naupo ako sa damuhan at sabay higa.

Nakita ko agad ang asul na ulap at may mga lumilipad na ibon. Tinaas ko ang kanang kamay ko na tila inaabot ang kalangitan.

"I'm tired"malungkot na bulong ko sa sarili ko at binaba ko na ang kamay ko sabay takip sa mukha ko.

"Yesha"napadilat ako sabay alis ng kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Dugg..  Dug.. Dug..

"Lianne"napaluha ako ng makita ko siya. Mabilis na tumayo ako sabay takbo papunta sa kanya.

Mahigpit na niyakap ko ito dahil sobra ko siyang namiss at nag alala ako sa kanya ng sobra.

"Saan ka ba nang galing? Bakit mo ako iniwan ulit?"hindi ko mapigilan na sigawan ito habang yakap yakap siya.

Napansin ko na tila nagulat ito sa pagsigaw ko pero mas hinigpitan nito ang yakap sa akin.

"I'm back my Lili"mas lalo ako napaiyak ng marinig ko ang binulong nito sa akin.

"Welcome back Nini"ganti ko dito at alam ko na nagulat ito sa tinawag ko sa kanya.

Ang tagal ko na naghintay na bumalik siya, ang tagal ko na nagpanggap na hindi siya napapansin at ang tagal ko na naghintay aminin sa akin ang lahat.

12 years siyang nawala sa akin lahat ng alaala namin noong limang taon ako nawala yun dahil sa tinaggal niya ang alaala ko.

Nang magkita kami ulit noong 12 years old ako bumalik ulit sa akin ang alala namin noon.

Alam ko na bata palang ako may iba na akong nararamdaman sa kanya. Kaya noong nagkita kami ulit hindi ko napigilang halikan ito at nagkaroon kami ulit ng ugnayan.

Masaya kaming dalawa masayang masaya pero dahil sa may nangyari ulit sa akin at hindi niya ako naprotektahan noon.

Inalis niya ulit ang alaala naming dalawa na may relasyon kami at nakatakda kami para sa isa't isa.

Noong umalis ako ng palasyo noong 17 years old na ako at para pamahalaan ang distrikto 10.

Wala pa akong naalala noon tungkol sa aming dalawa, pero alam ko laging may nakamasid sa akin sa malayo.

Ngunit hindi ako nakakaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko na lagi akong ligtas sa palihim na nagbabantay sa akin.

Hanggang sa hindi sinasadya ng makita ko ito nung unang linggo ko sa distrikto 10.

Noong naglibot ako mag isa para makita ang buong distrikto 10. Nakita ko itong natutulog sa isang mataas na puno.

-FLASHBACK-

"Huwag niyo na ako sundan, magpahinga na muna kayo at maging ikaw Irna"utos ko sa mga kawal ko at dama na laging nakasunod sa akin.

"Opo mahal na prinsesa"matapos nila lumabas ay nag suot ako ng pulang kapa.

Dahil isang linggo na ako namamalagi dito sa distrikto 10 kailangan ko makita ang buong lalawigan.

Lumabas ako ng walang nakakakita sa akin, paglabas ko malakas na hangin ang sumalubong sa akin.

Bilog na bilog ang buwan at kitang kita ang ganda nito, madaming nag sasabi na ang buwan ay sumisimbolo sa dyosa na si Serene.

Hindi ko alam kada nakikita ko ang buwan pakiramdam ko na ligtas ako at binabantayan ako nito.

Napatingin ako sa pilat ko na may buwan at umiilaw ito. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko nanaman ang tibok nito.

Naglakad ako patungo sa kagubatan na nandito malapit sa distrikto 10 at habang naglalakad ako mas umiinit ang pilat ko at umiilaw ito.

Hanggang sa kusa ako tumingala at nakita ko na may isang nilalang na nakahiga sa mataas na parte ng puno.

Dahil sa curious ako ay dahang dahan na pinuntahan ito. Tila hindi nito nararamdaman ang presensya ko.

Natulala ako ng makita ko ang kulay brown na may halong ginto na buhok nito.

Mas lalo ako namangha ng makita ko ang mukha nito ng masinagan ng buwan.

Dug.. Dug.. Dug..


Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag liwanag ng pilat ko. Hanggang sa napahawak ako sa ulo ko dahil may pumapasok sa isipan ko na mga alaala.

Dahang dahan ko hinarap ang natutulog na nilalang sa harapan ko. Hindi ko mapigilan maiyak ng makilala ko ito.

"Nini, my soulmate"bulong ko dito at napansin ko na magigising ito ay mabilis na nagteleport ako.

Nakarating ako sa kwarto ko at napaiyak ako ng mas malakas dahil nakita ko siya ulit.

Kaya pala pamilyar sa akin ang aura nito na laging palihim na sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta.

Lagi nito binabantayan ang bawat galaw ko at kilos ko kahit na nasa malayo siya.

Kahit alam ko na sa sarili ko na kilala ko na siya at naalala ay takot pa rin ako kausapin ito at sabihin sa kanya na naalala ko na siya.

Dahil alam ko na kapag nalaman niya na naalala ko siya ay natatakot ako na layuan niya ulit ako at tanggalin ang alaala ko.

-END OF FLASHBACK-

"Anong tinawag mo sa akin?"gulat na sabi nito ng kumalas siya ng yakap sa akin.

"Nini"nakangiting sabi ko dito at nakita ko na saglit ito natulala pero napaluha na din siya.

"Naalala mo na?"umiiyak na sabi nito at mabilis na tumango ako dito sabay yakap dito ng mahigpit.

"Kaya wag kana aalis ng hindi nagpapaalam"umiiyak na sabi ko dito at mas lalo itong napaiyak.

"Lili masaya ako na naalala mo na ako pero kailan pa?"hinarap ko ito sabay ngiti at kinuwento ko sa kanya kung paano ko siya naalala.

"Kaya ba noong una tayo magkita hinayaan mo ako sa ginawa ko sa bulwagan?"nakangiting sabi nito sa akin.

"Oo at isa pa hindi rin kita hahayaan na lapitan at halikan mo ako ng ganun kadali kung hindi kita kilala"mataray na sabi ko dito at tinawanan ako nito sa sinabi ko.

Totoo yun kung hindi ko siya naalala pa kung sino talaga siya ay hindi ko hahayaan na bumigay ng ganun kabilis.

Dahil alam ko na may karapatan lang gumawa ng ganun sa akin at dikitan ako ay ang taong mahal ko at nakatakda sa akin.

"I miss you and I love you Nini"sabay halik dito at naramdaman ko na tumugon ito kaya napangiti ako habang hinahalikan ito.

"I miss you and I love you too my Lili"ganti nito at mas lalo pa ako hinalikan ng madiin na siya naman tinugunan ko.

---

A/N

Next chapter will be the point of view ni Goddess Serene and the Flashback sa nangyari kay Aya noong 5 years old ito and sa mga nangyari pa hahaha.

Sino nagulat na may naalala na pala si Aya? 😂



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now