HFM 31

1.3K 72 6
                                    

Aya Arcavia

Hindi ko maalala kung paano nasa labas na ako ng dorm ko habang hatak hatak ni Kenna.

Pumunta agad ito sa akin ng malaman niya na dumating na ako, kasunod ko ang dama ko at maging ang dalawang kawal.

"Ano ba Kenna?"malamig na sabi ko dito at hinarap ako nito.

"Aya"malungkot na sabi nito sa pangalan ko.

"Huwag mo simulan"walang buhay na sabi ko dito sabay alis sa pagkakahawak niya.

"Dalhin mo kami sa cafeteria"sabi ko dito kay Kenna at ngumiti na hinatak ulit ako nito.

Ilang sandali lang ay nasa isang malaking room kami at nabasa ko na cafeteria pala ito.

Malawak ito at maganda dahil sa mga liwanag na nang gagaling sa taas pati na din sa paligid.

"Ayaaaaa"napatingin ang lahat sa sumigaw at nagbulungan nanaman ng may tumingin sa akin.

"Totoo nga maganda si Prinsesa Aya"

"Wow ang 1st princess"

"Siya na ba?"

"Malakas kaya siya?"

Hindi ko na inintindi ang mga narinig ko at sumunod na lang ako sa babaeng humahatak sa akin.

"Anong Section mo?"tanong agad sa akin ni Sabrina ng makaupo ako.

"Elite"nang sabihin ko yun at nagpapalakpak naman si Kenna.

"Kenna Atlancia manners"malamig na sabi ko dito at umayos naman ito ng pagkakaupo.

"Irna, bumili kayo ng pagkain niyo"inabot ko dito ang black card ko at nakita ko na nanlaki mata nila Kenna.

"Oh my gosh, ang unfair bakit binigay sayo unlimited joles"napairap ako kay Belle ng sabihin niya yun.

Napansin ko na tila nagkaroon ng kaguluhan kaya tinignan ko kung ano yun.

Nakita ko ang dama ko na si Irna na nakaupo sa lapag habang pinapaligiran ng dalawang babae.

"The Serillo Twins"sabi ni Ate Julian na kakarating lang. Tumayo ako para puntahan si Irna na umiiyak.

"What happen?"malamig na tanong ko ng makalapit ako napansin ko na natahimik ang lahat ng magsalita ako.

Tinignan ko ng malamig ang dalawang babae na nasa harapan ko na.

"Who are you?"tanong sa akin ng kulay itim ang buhok.

"Irna"tinawag ko ang dama ko sabay inalalayan na tumayo ito. Sinenyasan ko ang dalawang kawal ko para tulungan si Irna.

"Card"nilahad ko ang kamay ko dahil nakita ko ang black card ko na nasa kanila.

"Sa amin ito bakit mo kinukuha? Hindi mo ba kami kilala?"matapang na sabi nito sa akin.

Napangisi ako ng sabihin niya na kanya ang card na yun. Hindi ako tanga para hindi malaman na malaki ang laman ng card na yun.

Mabilis na hinablot ko ang card ko sa mahabang buhok at natumba ito sa lakas ng pagkakahablot ko.

"Youuuu"galit na sigaw nito pero nginisihan ko lang ito.

"Ayaaa"sigaw ni Kenna at may paparating sana sa akin na upuan ng tignan ko ito naging abo agad ito.

"Play with me"malamig na sabi ko sabay labas ng fire ball sa kamay ko. Nanlaki ang mata ng kambal ng maglabas ako ng kapangyarihan.

"Fire, ikaw ang anak ni Queen Francheska and Queen Antonette ng Arcavia!"takot na sabi nito pero malamig na tinignan ko lang ito.

Nilabas ko ang isang fire dagger ko at mabilis na binato sa naghagis ng upuan sa akin.

"Gwen"tawag ng isang kambal dito ng makita na nawalan ng malay ang kambal niya.

"Anong ginawa mo?"sigaw nito sa akin pero tinignan ko lang ito.

"Sinimulan niyo tatapusin ko"sabay bato dito ng fire ball at tatama na sana ito ng mahimatay ito kaya tinanggal ko na ang ginawa kong fire ball.

"My gosh Aya kakapunta mo palang dito gulo agad ang ginawa mo"malamig na tinignan ko si Gabriel ng sabihin niya yun. Natakot naman ito kaya tinikom niya ang bibig.

"Dalhin niyo sila clinic"narinig kong utos ni Kenna sa mga estudyante na nakikinood.

"Welcome to Atlancia Academy Aya"tumango lang ako sabay kain sa cake na binigay ni Kenna.

Uminom din ako ng tsaa matapos ko maubos ang cake. Napansin ko na natahimik ang lahat kaya pagdilat ko ng mata ko ay nakita ko na nakatingin silang lahat sa akin.

"What?"malamig na sabi ko sa kanila at nakarinig ako ng tilian at pagtingin ko nakatingin ang lahat sa akin.

"Aya, gosh yung cold aura mo mas lalong nagpadagdag sa pagiging elegant mo"inirapan ko itong si Kenna dahil walang kwenta ang lumalabas sa bibig nito.

"Bakit hindi na kayo nakadress?"tanong ko sa kanila ng mapansin ko ang suot nila. Mga naka jeans sila at polo shirt something.

"Hahahaha ganto ang uso sa Atlancia"sabi ni Sabrina kaya tumango na lang ako.

"Kaya rin nakatingin ang lahat sayo dahil ikaw lang ang nakadress"sabi pa ni Kenna at walang gana na tinignan ko ito.

"So?"malamig na sagot ko dito sabay inom ulit sa tsaa ko.

"Well kung ayaw mo pinag uusapan magpalit ka ng ganto"sabay turo sa suot nila pero umiling lang ako.

"Mas comfortable ako sa dress"which is true naman din dahil nasanay na ako simula bata palang ganto pinapasuot sa amin ni Mama.


"Iniisip mo lang si Tita Cheska na magagalit siya"sabat naman ni Kenna kaya tinignan ko ito.

"Nah ganto din noon si mama kaya gusto ko nakadress din"sagot ko sa kanila at nagkatinginan na lang sila sabay tanguhan.

"May alam ba kayo na pwede ko pagawa ng small hideout?"tanong ko matapos maubos ang tsaa ko.

"Magpapagawa ka?"gulat na sabi ni Gabriel.

"Hindi ba obvious? Kilala natin si Aya gusto niyan may ibang pinupuntahan yan"sagot naman ni Ate Julian.

"Kakausapin ko na lang si Tita Tory kapag may time ako"sabi ko sa kanila ng mapansin ko na walang sasagot sa kanilang dalawa.

"Aya be ready, baka pumunta pala ang magulang ng Serillo Twins"babala sa akin ni Ate Julian.

"Hindi nila magagamit ang pangalan ni Ina kahit kaclose pa nila ito. Lalo na involve si Aya dito"cool na sabi ni Kenna at napatango naman sila Gabriel sa sinabi nito.

"Alam din natin na paborito ni Tita Heria si Aya kaya kapag nalaman pa ni Tita Heria ang nangyari sila pa ang mapaparusahan"panatag na sabi ni Gabriel habang nag uusap sila umiinom lang ako ng tsaa.

Napatingin ako sa labas ng may makita akong pamilyar na kulay itim na kapa.

"Lianne"sigaw ko sabay takbo at narinig ko na tinatawag ako nila Kenna pero hindi ko sila pinansin.

Lianneeee..

-----

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon