HFM 35 Part 1

1.3K 81 9
                                    

Serene Lianne Luna Heaven

17 years ago..

"Serene handa ka ba sa magiging kapalit kapag pinili mo siya? Handa ka ba sa magiging kakahinatnan kapag mas pinili mo pumunta sa mundong ibaba?"

Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Ina sa akin bago niya ako dalhin dito mundong ginawa ko.

"Mahal na Dyosa"napatingin ako kay Francheska ng tawagin ako nito ng may pag aalala.

Sila agad ang pinuntahan ko ng makarating ako dito sa mundong ibaba.

"Maaari ko bang puntahan siya?"tanong ko dito at ngumiti ito sa akin na tila agad kilala ang tinutukoy ko.

"Oo naman, Kahit naman hindi ka magsabi ay hahayaan pa rin namin ikaw na puntahan siya"napangiti ako sa sinabi ni Francheska at sabay kaming tumayo para puntahan ang kwarto ni Yesha.

Nakarating kami sa kwarto nito at bumungad agad sa akin ay ang pulang kulay ng mga nandito sa loob.

Nakita ko ang isang higaan at napansin ko agad ang pulay buhok at may halong ginto dahil nangingibabaw ito.

Habang palapit kami ay hindi mapigilan ng puso ko ang bilis ng tibok nito.

Duggg.. Duggg...

Hanggang sa nakalapit kami at halos maluha ako ng makita ko siya, ilang libong taon ako naghintay sa kanya.

Umiilaw ang buwan na balat nito at hindi ko mapigilan na hawakan ang kamay nito na may balat.

Mas lalong tumingkayad ang ilaw nito nakita ko na namangha si Francheska dahil sa pag liwanag ng balat nito.

Ngunit nawala ang ngiti ko ng tila may pumasok na mga imahe sa isip ko.

Pinilit ko alisin iyon at tinignan ko ulit si Yesha at napansin ko na tinignan ako nito.

Nakita ko ang asul na asul na mga mata nito na nagpabilis ulit ng tibok ng puso ko.

"Niiii-niiiii"nanlaki ang mata ni Cheska ng marinig na tila gusto nito magsalita.

"Eh?"natawa ako sa naging reaksyon nito pero binalik ko ulit ang tingin ko kay Yesha at nagulat ako na tila pilit ako inaabot nito.

"Niiiiii"tila tinatawag ako nito at tinignan ko si Cheska para humingi ng pahintulot na ikinangiti naman nito.

"Hindi mo na kailangan pa humingi ng pahintulot"sabi nito at mabilis na kinarga ko si Yesha na malapit sumapit ang ikaw isang taon na gulang nito.

Nakaramdam ako ng kakaibang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko ng magtama ang balat namin.

"N-niiii"hinawakan nito ang mukha ko at halos maluha ako dahil sa init ng palad nito.

Hanggang sa napansin ko na may hawak itong bulaklak. Napangiti ako ng hawakan nito ang Lily kung saan tuwang tuwa ito habang tumitingin sa akin.

"Lili yan ang itatawag ko sayo, kasing ganda mo ang bulaklak na yan"humalakhak ito kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawa nito.

"Niiiiii"sigaw nito at nagulat ako ng bigla ilapit nito ang mukha niya sa pisngi ko.


"Hahahahaha"natatawa ako dahil sa kinagat nito ang pisngi ko.

"Alam ko Lili na mataba ang pisngi ko"sabi ko dito at tila naintindihan naman ako nito kaya kinagat niya ulit ang pisngi ko.

"Lily, mahal kita"bulong ko dito at tila naintindihan nito ang sinabi ko ay hinawakan nito ang parehong pisngi ko at dumampi ang labi nito sa labi ko ng mabilis.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now