HFM 18

1.6K 87 7
                                    

Aya Arcavia

Dumating na ang araw na pinaka hinihintay ng lahat, at iyon ay ang paligsahan sa buong Arcavia.

Madaming dumayo na taga Atlancia dito sa Arcavia ngayon upang makisaya at sumali sa pag diriwang.

"Prinsesa Aya"napatingin ako kay Irna ng tawagin ako nito.


"Bakit?"tanong ko dito habang tinitignan ko sa salamin kung maayos na ba ang suot ko.

Hindi alam ni Ina na pinadala ni mama yung ibang dress ko kaya nakasuot pa din ako ng gusto kong damit.

"May naghahanap po sa inyo sa labas mahal na prinsesa"napansin ko ang kaba sa boses ni Irna ng sabihin niya yun sa akin.

"Sino?"walang gana na tanong ko dito. Kung kaibigan ko ito ay alam ko dederetso na agad sila dito lalo na si Kenna.

"Nakasuot po ng kapa na itim at natatakpan ng mask ang kanyang bandang mata"gulat na napatingin ako dito at madaling tinignan ko ulit sa salamin kung maayos na ba talaga ang itsura ko.


"Ilang minuto na siya nag hihintay?"natataranta na tanong ko dito at mabilis na lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko pinansin ang pagkabigla sa mukha nito dahil dumating siya para sunduin ako.

Paglabas ko ay natulala ako dahil nakita ko siya talaga ang naghihintay sa akin.

Hindi ko mapigilan na mamula dahil yung tingin na binibigay niya at ang reaksyon niya ay pinabibilis ang tibok ng puso ko.

"Lianne"tawag ko sa pangalan nito at nakita ko ang isang ngiti na mas lalong nagparamdam sakin ng kakaibang damdamin.

"Yesha"mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin ngunit narinig ko pa rin yun.

Hindi ko mapigilan na yakapin ito at naramdaman ko na nabigla ito at kakalas na sana ako ng mas higpitan nito ang yakap sa akin at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.


Napapikit ako at pakiramdam ko na tila kay tagal kong inaasam ang yakap niya at ramdam ko na ligtas ako sa kanya.

"Ehem"napadilat ako ng marinig ko ang isang hindi pamilyar na boses.

Nakita ko ang isang babae na may kapa ng itim at nakamaskara din ng itim. Ngunit na ngingibabaw ang kulay ng buhok nito na kulay lila.

"Aya"tinignan ko naman si Kenna na tila nakataas ang kilay sa akin at napansin ko na tila tinitignan nito kung nasaan ang kamay ko.

Napasinghap ako ng may maramdaman akong malambot at dahan dahan kong tinignan ang kamay ko.

Namula ako ng todo ng mahawakan ko ang dibdib ni Lianne, mabilis na lumayo ako at inayos ang pagkakatayo ko.

Pilit ko iniwas ang tingin ko sa kanila at ilang sandali lang ay napakalma ko na ang sarili ko at alam ko na bumalik na ulit sa walang emosyon ang mukha ko.

"Anong ginagawa niyo dito?"walang gana na tanong ko kay Kenna at nakita ko na ngumisi ito sa akin.

"Sinusundo ka"nakangiti na sabi sa akin ni Gabriel at mabilis na lumapit ito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Tumango naman ako, isa pa sanay na din ako kay Gabriel na biglang mang hahalik sa pisngi namin.

"S-serene"napansin ko ang kaba ng apat na kasama ni Lianne. At tinitignan nila ang nasa likuran ko.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now