HFM 26

1.5K 81 0
                                    

Aya Arcavia

"Wow! Ilang minuto lang natapos nila agad ang laban"narinig kong sabi ni Kenna sa tabi ko habang si Ate Julian ay pumapalakpak.


Tama nga ang sinabi nito mabilis matatapos ang laban sa pagitan ng distrikto 2 at kila Lianne.



Puro hiyawan ang maririnig sa paligid dahil sa pinakitang laban, marami ang nagulat dahil ang pinakamalakas na Kapitan ng Arcavia ay matatalo ng ganun kabilis.


Napatingin ako sa kung nasaan si Lianne hanggang sa tinutulak ito papunta sa akin.


Ngumiti ako ng makalapit na ito kusang yumakap ako sa kanya at ganun din ang ginawa nito.


"Congrats"bulong ko dito at mabilis na kumalas ako.


"Congratulations sa inyo"bati nila Belle at Sabrina sa kanila ng makalapit na din ang iba.

"Joyce yung ginamit mo kanina yun ang ginamit mo sa akin nung una tayo magkita tama ba?"seryosong tanong ni Sabrina dito.


"Oo"maikling sagot nito tila nahihiya.


Kumapit ako kay Lianne ng maramdaman ko na medyo lumayo ito sa akin.


"Hindi namin nakita na kumilos si Serene"napatingin kami kay Gabriel ng sabihin niya yun.

Napansin ko din yun, tila inutusan lang niya ang mga kasamahan niya kung ano gagawin.


"Mabuti nga na hindi kumilos si Serene kung hindi baka wala na itong Ruffian Stadium o sabihin na nating mawasak ang Kapitolyo"paliwanag ni Silvia sa amin ng marami niya sabihin yun ni Gabriel.


"Hanggat maaari hindi siya pwede gumamit ng kapangyarihan"sabi naman ni Krystal sa amin.


Tinignan ko ng mabuti si Lianne, alam ko may kakaiba sa kanya at may kakaibang nararamdaman din ako sa kanya.


"Yesha"napatingin ako sa pamilyar na boses at nakita ko si Ina kasama sila Mama at Spring.


"Ina"lumapit ako dito habang nakakapit sa akin si Lianne.


"Ate Autumn pupunta kami ng palasyo, sasabay ka ba?"tanong sa akin ng kapatid ko.


Hindi namin namalayan na papalubog na pala ang araw. Nakaramdam na din ako ng gutom dahil hindi nanamin napansin ang oras.


Tumingin ako kay Lianne at napansin ko na nakatingin din pala ito sa akin na ikinangiti ko.


"Maglilibot po kami ni Lianne dito sa Kapitolyo Ina, lalo na bukas mag sisimula ang Indivual pagkatapos pa ng laban ay babalik agad ako ng Distrikto 10 para tapusin ang trabaho na naiwan doon at bago ako pumasok ng Atlancia Academy ay maayos na ang lahat"paliwanag ko sa kanila at tila nakuha nila ang gusto kong sabihin.


Ang gusto ko ipahiwatig ay habang may free time ako magamit ko yun para makasama si Lianne.

Apat hanggang limang taon ako mag stay sa Academy lalo na may mga gawain din ako gagawin doon.


"Sige anak, tila may plano kana din naman gawin, kumain na din kayo ni Serene dito sa kapitolyo lalo na hindi ka din masyado nakakalibot dito sa Kapitolyo"nagpaalam sila Ina at Mama sa akin matapos ay hinalikan ako sa pisngi maging ang kapatid ko.


"Saan tayo pupunta?"napatingin ako kay Lianne ng tanungin niya yun. Namula naman ako dahil alam kong wala talaga akong plano. Dahil sa gusto ko lang siya makasama kaya nasabi ko yun kila mama.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now