HFM 6

2.1K 114 7
                                    

Aya Arcavia

Masama ang tingin na binibigay ko sa mga kaharap ko ngayon, nakita ko na napalunok sila dahil sa sama ng tingin ko.

"Aya wag kana magalit"tumaas ng kaunti ang labi ko sa sinabi ni Sabrina sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit din sa kanya dahil sa itsura nito ngayon na gulo gulo ang buhok at may punit pa ang damit.

"Sabrina isa kang prinsesa dapat kumilos ka na isang prinsesa talaga, Pero anong ginawa mo nang gulo ka at hindi ko pa inaasahan na ikaw ang magsisimula pwede naman si Kenna"nakita ko na tila napatingin sa akin si Kenna at kita ko na nakanguso ito habang ang mga kasama namin ay pinipigilan matawa.

"Ayusin mo ang gulo na nagawa mo Sabrina, kung hindi sasabihin ko ito kila Tita Sofia"sabay alis sa harapan nito.

-----

Sabrina Vergara Gariones

"Lagot ka ngayon Sabrina"nang aasar na sabi sa akin ni Gabriel at nagpapaawa na tumingin ako kila Reina, Kenna at kay Ate Juliana.

"Walang epekto yan, kung ikaw pa si Aya pwede pa eh"sabi sa akin ni Reina at mas lalo ako napasimangot.

Galit na bumalik ako sa pagkakaupo dito sa opisina ni Aya ngayon at alam ko na pinipigilan ng mga kasama ko ngayon na tawanan ako.

"Sabrina magpalit ka muna"sabay hagis sa akin ni Aya ng damit nito ng kapareho sa suot nito iba nga lang ang kulay.

"Wala ka bang dress?"tanong ko dito at nakita ko na tila may lumabas na apoy sa kamay nito.

Nakita ko na tila nataranta ang mga kaibigan namin at tinignan ako ng mga masasama nila.

"Ano ba Sabrina hindi pa tapos yung kasalanan mo dinadagdagan mo pa"galit na sigaw ni Kenna sa akin at napatakip ako ng bibig ko.

"Opps"mabilis na takbo ko para pumunta sa loob ng banyo. Matapos ko makapagpalit ay lumabas na ako at nakita ko na nakatingin silang lahat sa akin.

"Ano ba nangyari?"inis na sabi sa akin ni Aya at nakita ko na nag alala ito.

Lumapit ito sa akin at akala ko ay babatukan ako pero kinuha nito ang braso ko at nakita ko na may malaking pasa pala ako.

Ginamit nito ang kapangyarihan niya para mawala ito pati na din sa noo ko na may pasa din ng makita ko sa salamin.

Bumalik sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga sa bayan ng sumama kami kay Aya.

Flashback...

Wala ng nagawa si Aya ng magpumilit kami sumama at sumakay sa sasakyan namin na kasya kaming lahat.

Yung mga kawal at dama na dalawa na kasama ni Aya ay nasa isang sasakyan kung nasaan din ang mga punong dama na kasama namin papunta dito.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa bayan dito at tila nagulat kami sa nakita dahil masyadong masikip at kahit umaga palang ay madami ng tao.

"Ayaw ko makipagsiksikan dyan"inis na sabi ko at maging ni Kenna.

"Edi wag"sabay labas ng sasakyan ni Aya at sumunod sa kanya ang iba. Nagkatinginan kami ni Kenna at sumunod din para lumabas.

Paglabas ko ay napansin agad ng mga nandoon na tinignan kami na tila nagtataka.

"Sino ang mga yan?"

"Mga mayayaman nandito sa bayan natin impossible"

"May mga kawal sila, sino kaya sila?"

Pinagilid ng mga kawal ang mga tao at naglakad na kami dito, nakakapagtaka bakit kami pumunta dito.

"Aya anong bibilhin mo dito?"tanong Reina kay Aya at nakita ko na tinignan kami nito isa isa.

"Dress"at mabilis na nauna itong naglakad bigla sa amin. Nagkatinginan kami at nagtawanan dahil sa sinabi nito.

"Bakit ba wala kang dress na dala? Halos lahat ng damit na binili sayo ni Tita Cheska ay mga dress at hindi lang pala binili, pinagawa niya pa"sabi ko dito habang tumitingin sa mga tinda na nandito.

"Si Ina sinabi sa dama ko wag daw ako lalagyan ng mga dress at ganito ang halos lahat yung nakalagay sa bagahe ko"sabay turo nito sa suot at napatango naman kami dito.

Sa totoo lang sa aming lahat ay si Aya lang ang pinaka may gusto sa dress, kami ay sapilitan na pinapasuot pa sa amin dahil prinsesa kami. Maliban papala doon si Ate Juliana ay laging naka dress din noon ng mapunta ito sa Atlancia ay hindi na din ito nag susuot ng dress.

"Sigurado ka ba na dito ka bibili ng dress Aya?"nag aalalang sabi ni Reina dito at napatango naman ito.

"Bakit hindi ka na lang mag sabi kay Tita Heria, alam mo na paborito ka din nun"sabi naman ni Gabriel dito.

"Malalaman ni Ina at lalo ako pagbabawalan na mag suot ng dress nun"sabay tingin ulit.

Lalapit na sana ako kila Aya ng nahuhuli na ako sa kanila. Hindi sinasadya na may biglang bumangga sa akin at naramdaman ko na parang may kinakapkap sakin.

"Ahhhhh"sigaw ko at nataranta na napatingin sa akin sila Aya.

Hindi ko mapigilan na patamaan ng tubig ang lapastangan na humipo sa akin.

Lumayo ako dito agad  at hindi ko inaasahan ng maglabas din ito ng kapangyarihan at nakita ko na tila naging bato ang mga tubig.

Nag kagulo ang lahat ng may bigla pang dumating na isang nilalang hindi ko matukoy kung babae sila o lalaki.

Dahil nakasuot sila ng isang roba na kulay black at nakatakip pa ang ulo nila.

"Mga bandido"sumigaw ang isang tindera at mabilis naman na tumakbo ang nanghipo sa akin.

Sinugod ko ito at hindi inaasahan na bigla na lang ako napalipad nito ng tila may ginamit ito.

Mahahawakan ko na sana siya pero may kinontrol ito na tila naging magaan ako sa kanya.

"Sabrina"tawag sa akin nila Aya at pagtingin ko sa dalawang nilalang kanina ay nawala na ang mga ito.

End of flashback..

"Ayun"pagtapos ko ikwento sa kanila ay tinignan nila ako.

"Nakita mo ba itsura nila?"tanong ni aya pero tanging iling lang nasagot ko.

"Ito siguro ang sinasabi ni Ina na nangyayari dito sa distrikto 10 ng Arcavia"nakita ko na tila nag isip ito sa kinuwento ko.

"Sabi sa akin ni Ama ay simula na naging Kapitan noon si Gregor ay tila nakakahinala daw ang mga ulat nito, pero hindi napansin nila Tita Antonette dahil may inaayos din sila na gulo noon sa ibang distrikto"sabi ni ate Juliana sa amin at tinignan din ito ni Aya.

Mukhang may nangyayari na hindi namin nalalaman ngayon. Ilang taon din na naging payapa ang Atlancia at Arcavia pero ngayon ay nagkakaroon na ulit ng gulo.

Tila may paparating na isang delubyo sa aming lahat ng hindi namin inaasahan.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon