HFM 25

1.3K 80 4
                                    

Thirdperson's POV

Nag simula na ang laban at unang sumugod ay ang isa sa mga bise kapitan na si Lira.

Pinalibutan agad nila ang dalawang babae na kulay lila at itim ang buhok. Mabilis na nilabas ang mga espada nila habang yung dalawa ay tila hindi inintindi ang pag atake sa kanila.

Puro iwas at sangga lang ang ginagawa nila. Tila na naglalaro lang sila dahil tumatawa pa ang dalawa sa ginagawang pag atake sa kanila.

"Mag seryoso kayo"galit na sigaw dito ni Lira at naging alerto ang lahat ng makita na tila may nag bago sa paligid.

"Zero Gravity"narinig nila ang bulong ng babaeng kulay lila ang buhok.

Unting unti sila lumutang lahat sila mismo at maging ibang kasamahan ag kapitan nila.

Habang lima naman ay naglalakad patungo sa kanila. Bumilis ng kilos nito at nagulat sila ng tumatalsik ang mga kawal habang pinipilit na makawala.

"Mira gamitin mo na ang bind"sigaw ng Kapitan dito at mabilis naman kumilos ito pero hindi siya makakilos ng maayos dahil pakiramdam niya sobrang gaan ng paligid at mabigay.

"Kapitan hindi ko masyado magalaw ang katawan ko, hindi ko maipon ng mana para ma activate ng spell"

Ilang sandali lang ay tila nasanay ang Kapitan nila at nakita nila na mabilis itong sumugod sa kalaban na nakapula.

"Ahhhhhh"nilabas nito ang espada na may pulang rosas.

Alam ng lahat na may halong lason yun kaya hindi maaaring madaplisan ang sino man mataaman nun.

"Ehhh huwag mo asahan na makakalapit ka sa aming Luna"sabay sipa ng babaeng matangkad sa limang babae.

Nagpagulong gulong ito ng masipa at tumamasa pader at nagkaroon ng malaking tibak.

"Reignnn"sigaw ng asawa nito ng makita ang nangyari sa asawa.

"Joyce explosion spell"malamig na utos ng lider ng Secret Soldier na si Serene.

"Yes Luna"magalang na sagot na tinawag na Joyce.

Napansin ito ng kapitan ng makatayo siya at mabilis na tinawag ang isa pang bise Kapitan.

"Mira barrier"galit na utos nito dahil alam niya na wala pang kalahating oras ay ganto na agad ang nangyari sa kanila.

Mabilis na gumana ang barrier at sumunod din ang defense formation ng mga kawal na mawala ang zero gravity spell ng kalaban.

"Liraaaaa"napatingin sila ng makita na paparating ang isang maliit na puting ilaw at ilang sandali lang ay sumabog ito at halos kasing lakas ito ng giant dark flame ng distrikto 1.

Unting unti kumapal ang usok at ilang sandali lang ay nawala ito, marami ang nagulat at natulala sa nakita.

Kalahati sa stadium nasira at nagkaroon ng ibang harang sa mga nanonood at kulay pulang barrier ito.

Nakita nila ang isa sa mga nakamaskara at may kulay pulang ilaw habang nakataas ang kamay.

"Joyce ano ba yan? Buti na lang sinabihan ako ni Luna gumawa ng barrier"galit na sigaw nito sa kasama at napatawa naman ito dahil alam niya na maliit lang ang ginawa niyang explosion spell.

"Maliit lang ang ginawa ko Silvia hindi ko akalain na malakas na yun para sa kanila"nakangiting sabi nito at tumingin ulit sila sa kalaban nila ng makita na halos lahat ay wala ng malay habang ang kapitan na lang ang natitira na nakatayo.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now