HFM 38

1.2K 64 13
                                    

Serene Lianne Luna Heaven

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng matapos ang klase namin. Marami ang nandito ngayon at napansin ko na halos lahat ay nakatingin sa amin.

Tamang sabihin ay nakatingin ang karamihan sa akin at maging kay Lili. Pinipigilan ko matawa sa reaksyon ng mga nandito dahil sa ginagawa ni Lili


"Aya pinagtitinginan na kayo"tinignan ni Lili ang pinsan niya na si Kenna pero hindi niya ito pinansin.


Pinagpatuloy nito ang pag inom ng tsaa at sinubuan ako nito ng cake na inorder niya.


"Lemon tea Nini?"nginitian ko ito at ininom ang tea na binigay niya. Ngumiti naman ito ng malaki sabay halik sa labi ko.



"Aya umayos ka, ikaw na ang nagsabi sa amin na kumilos bilang isang prinsesa. Tapos ngayon PDA ka"nang aasar na sabi ni Sabrina sabay kain din nito sa cake niya.


"Kung naiinggit ka gawin mo din kay Joyce"malamig na sabi nito sabay tingin sa akin na tila kumikislap ang mga mata.


Sinubuan ko din ito at mas lalo lumaki ang ngiti ito at hinalikan ulit ako sa labi.


Nakita ko na palihim na tinignan nito si Franco Glacier at binigyan niya ng mapang asar na ngiti.



Hinarap ko ito sa akin sabay halik sa labi niya at nagulat ito ng maramdaman niya na may pinasok ako sa loob ng bibig niya.



"Hey, sobra na yan"namumulang sigaw ni Arrianne ng makita niya ang ginawa ko na ikinangisi ni Lili.


Namulang umiwas si Lili sabay kain ng cake na binigay ko sa kanya. Marami ang nagulat sa ginagawa ni Lili ngayon at hindi nila alam may dahilan yun.



"Strawberry tea"inabot ko ito sa kanya at namumulang kinuha niya ito na ikinangiti ko.


"Totoo ba itong nakikita ko?"


"Sino yung kasama ni Prinsesa Aya? Girlfriend niya ba yun?



"Nung una natin nakita si Prinsesa Aya malamig ang aura nito pero ngayon kakaiba dahil sa katabi niya"


"Bagay silang dalawa"


"Pareho sila maganda"


"Aww sayang may kasintahan na pala si Prinsesa Aya"



Napapailing na lang ako sa usapan nila. Matapos namin kumain ay nag uusap usap sila tungkol sa gagawin sa free time namin ngayon.



"Dahil bago lang kayo dito sa Atlancia bakit hindi tayo mamasyal?"suggest ni Gabriel na sinang ayunan nila Kenna.



"Waaahh gusto ko yan"sagot naman ni Silvia at Krystal.


Habang nag uusap ay may dumating na kawal na halatang galing sa Atlancia Palace.


"Magandang Araw po mga mahal na prinsesa at prinsipe"bati nito at sabay inabot kay Kenna ang ulat.



"Pinapapapunta kami sa palasyo ni Ina?"tanong nito sa kawal at binasa nito ang sulat.



"Need natin pumunta ng palasyo ngayon"seryosong sabi ni Kenna sabay abot kay Lili ng sulat.


"Nakahanda na po ang sasakyan mahal na prinsesa"sabi pa ng kawal at tumayo agad kami habang malamig na tinignan ni Lili ang sulat.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz