HFM 3

2.2K 110 5
                                    

Aya Arcavia

"Yesha"napatingin ako kay Ina ng tawagin ako nito, tanghali na at nakabalik ako dito sa palasyo namin.

"Ina"yumakap agad ako dito at gumanti naman agad ito ng yakap sa akin.

"Nalaman ko ang nangyayari sa distrikto 10, masyado ako nakampante sa mga ulat na pinapadala sa akin ni Gregor noon"napahilot ito sa noo, dahil alam ko na madami pa itong problema na inaayos dahil mas dumadami na ang mga bandido nakakapasok ng Arcavia.

"Ano nangyayari?"sabi ni mama na kakarating lang at nakita nito ang paghihilot ni Ina sa ulo niya.

"Tungkol lang po sa problema ng Distrikto 10 mama"sagot ko sa tanong nito at napatingin sa akin ito ng mapansin na nandito ako.

"Anak, Autumn nandito kana pala"masayang sabi nito at mabilis na hinatak ako para yakapin. Natawa ako sa ginawa nito dahil tila sabik na sabik ito sa akin.

"Raine, hindi na makahinga si Yesha"natatawang sabi ni Ina kaya napabitaw si mama at ngumuso sa amin na ikinatawa ko din.

"Bakit ba? Sabik na sabik ako sa anak natin eh"sabay yakap ulit sa akin kaya yumakap din ako pabalik.

Natatawang hinatak ulit ito ni Ina si Mama at siya ang yumakap, kahit na nung bata palang ako ay kahit nasa harapan pa ng mga ibang kasama ay hindi nawawala ang paglalambingan nila.

"Ina at mama magpapahinga lang po ako"sabay halik sa mga pisngi nila at hinalikan din nila ako.

"Sige anak pero kumain kana ba?"tanong ni mama sa akin at kita ko na nag aalala ito. Sasagot na sana ako ng biglang may tumunog.

"Kruuuu!"

"Kruuuuuuu!"

Nahihiyang napayuko ako at naramdaman ko na niyakap agad ako ni mama.

"Tanghali naman na din kumain muna tayo"sabay hila sa akin at nakita ko na nakangiti si Ina habang hatak hatak ako ni mama.

Kinabukasan...

Maaga ako ngayon nagising dahil kinausap ako ni Ina nung gabi matapos kami kumain ng hapunan.

Flashback...

"Yesha"napatingin ako kay Ina ng tawagin ako nito. Kasama namin ngayon sila Ila at Tito James kasama nito si Tita Jillian.

"Ano po yun Ina?"nilapag ni Ina ang hawak niyang kutsara at tinidor. Napatingin din sila mama sa kanya ng tawagin niya ako, kita sa mga mata ni Ina na tila may seryosong sasabihin ito sa akin.

"May dalawang buwan ka pa naman bago bumalik ng Atlancia Academy hindi ba?"tanong nito sa akin at tumango naman ako dito. Nakita ko na napabuntong hininga si Ina na tila may pumipigil sa kanya sa sasabihin nito sa akin.

"Yesha, gusto ko sana ikaw muna ang umayos ng gulo na nangyayari sa Distrikto 10. Sunod sunod kaninang hapon na dumating na sulat doon tungkol sa pagdami ng bandido. Hindi kinakaya ng mga kawal doon lalo na kakapalit mo lang nung umaga ng bagong Kapitan"mahabang sabi nito sa akin at nakita ko na napatingin bigla si mama sa kanya na nagulat.

"Summer, nasisiraan kana ba? Ipapadala mo ang anak natin sa pinakadulong Distrikto? Nandun naman si Ariel na pinsan ni Yurian. Kaya na nila iyon"galit na sabi ni mama dito at tinignan lang ito ni Ina habang sila Ila at Tito James ay patuloy lang sa pagkain.

"Pumapayag ka ba Yesha?"walang emosyon na sabi ni Ina at hindi pinansin si mama. Nakita ko na galit na tumingin si Mama kay Ina.

"Bilang mama ni Autumn hindi ako papayag"inis na sabi ni mama dito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon