HFM 15

1.5K 94 4
                                    

Thirperson's POV

Makikita ang kasiyahan na nagaganap sa bawat distrikto ng Arcavia, may mga batang naghahabulan at may mga nagtitinda ng kung ano anong bagay.

Napahinto ang lahat ng may dumaan na isang dalaga, hindi maiwasan na hindi humanga dito dahil sa angkin ganda na meron ito.

"Ina, sino po siya?"tanong ng isang bata.

"Ang ganda niya"namamangha na sabi ng isang matandang babae.

"Mukha siyang dyosa"hindi mapigilan na komento sa mga nakakita dito.

Nabalik ang lahat sa pagkamangha dito ng may sumigaw na isang babae na nakasuot ng isang kapa na kulay itim.

"Serene"tawag nito sa babaeng pinag titinginan ng mga nandoon sa bayan. Nasa Kapitolyo sila ng Arcavia kaya mas marami ang mga nilalang na nagkakaroon ng kasiyahan at mga nagtitinda.


Napalingon naman ang babae na tinawag na Serene at natanggal ang suot nito na kapa sa bandang ulunan nito para matakpan ang buhok niya.

Mas marami ang namangha ng makita nila ang kulay brown na may halong ginto ang buhok nito.

Lalo pa at natamaan ito ng sikat ng araw kaya mas lalo naging matingkayad ang kulay nito.

Nakita din nila ang kulay ng mga mata nito na tila kulay abo at mas lalo pa sila namangha ng mailawan ito ng sikat ng araw.

"Serene, san ka ba nagpupunta?"Nilibot ko na itong Kapitolyo at bumalik lang ulit ako dito"tanong dito ng babaeng may katangkaran at may pagka singit ang mga mata.

"Galing ako sa distrikto 10, may tinignan lang ako doon"sagot nito at sabay nagpatuloy sa paglalakad.

"Serene ang layo ng distrikto 10 mula dito sa Kapitolyo, dumayo ka doon para may tignan lang? Ano ba tinignan mo doon?"tanong ulit nito sa kasama at napahinto naman ito sa paglalakad.

"Basta may tinignan lang ako"walang emosyon na sabi nito at natigilan naman ang nagtanong dito ng mapansin na walang balak ito sagutin ang tanong niya.

"Bumalik na tayo baka hanapin pa tayo nung tatlo"hatak nito sa tinawag pero binawi ito ang kamay na nakahawak sa kanya.

"May bibilhin lang ako"sabay punta nito sa mga nagtitinda ng mga suman.

"Pabili po ng sampung suman"napatingin naman ang nagtitinda dito at mabilis na binalot.

"Ikaw pala Serene, kumusta? Isang buwan ka din hindi bumili sa akin ah"sabi ng tindera dito at napangiti naman ng maliit ang tinawag na Serene.

"May pinuntahan lang po ako"sabay abot nito sa pilak bilang bayad sa binili.

"Serene sobra nanaman ang binayad mo"nahihiyang sabi ng tindera dito.

"Hindi pa po kayo nasanay sa akin, sa inyo na po yan. Tutal isang buwan din po ako hindi nakabili sa inyo. Kamusta niyo na lang po ako sa mga apo niyo po"sabay paalam nito at lumapit sa babaeng nag hihintay sa kanya.


"Bumili ka nanaman ng suman"sabi ng kasama nito pero hindi siya sinagot nito.

Hanggang sa nakarating sila sa isang sasakyan na naghihintay sa kanila para dalhin sa pupuntahan nilang lugar.

"Serene ilang oras ka nanamin hinahanap, saan ka ba nagpunta?"sinalubong ito ng isang babae na hindi masyadong katangkaran at inakbayan ito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon