HFM 30

1.3K 75 2
                                    

Aya Arcavia

Dalawang buwan na ang lumipas ng mangyari ang hindi inaasahan na pangyayari sa distrikto 10.

Sa loob ng dalawang buwan ay nabalik sa dati ang pagkakaayos ng lalawigan doon.

Sa loob din ng dalawang buwan hindi ko na din nakita pa si Lianne. Nang patulugin ako nito ay nagising ako na nasa palasyo na ako.

Nung makita ko sila mama at iyak ito ng iyak habang si Ina ay niyakap agad ako kaya napaluha agad ako.

Kung hindi ako pinigilan ni Lianne na huwag bumalik ay alam ko na magdudusa sila mama at ina.

"Autumn ready na ba ang gamit mo?"napatingin ako bigla kay mama ng hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya.

"Opo mama"malamig na sagot ko dito at nakita ko na malungkot itong napatingin sa akin.

"Papasok kana sa Academy, malalayo ka nanaman sa akin"malungkot na sabi ni mama sa akin kaya niyakap ko agad ito.

"Kapag may time naman po ako mama babalik ako dito"pagpapagaan ko ng loob nito.

Alam ko na nag aalala ito sa akin, dahil simula makabalik din ako ay nagbago ang ugali ko o tamang sabihin mas lumala.

"Irna dalhin mo na sa sasakyan ang mga gamit ko"malamig na utos ko dito at mabilis na sumunod ito sa akin ng makita niyang tinititigan ko siya.

"Autumn baby lagi mo tandaan nandito lang si mama ah"sabay halik nito sa noo ko at yumakap naman ako dito.

Hinatid na ako ni mama sa sasakyan at habang si Ina naman ay wala dito dahil may pagpupulong na nangyayari para mapatibay ang mga depensa ng Arcavia.

Sila Kenna naman ay nauna na sila bumalik ng Atlancia dahil pinatawag sila ng headmistress na si Tita Tory Yuire.

"Hanggang sa muli mama"hinalikan ko ito sa pisngi at sumunod naman ang kapatid ko na si Spring.

"Bye mama"matapos namin magpaalam ay sumakay na agad kami sa sasakyan.

Nakita ko na nakatingin sa akin ang kapatid ko kaya tinignan ko din ito.

"Ate Autumn mas nakakatakot kana ngayon"napataas ang kilay ko sa sinabi nito.

Inirapan ko lang ito at binuhat para ipatong sa hita ko para patulugin din ito dahil matatagalan din ang byahe.

"Sleep"malamig na utos ko dito pero pumikit din agad ito.

Lianne...

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko kapag iniisip ko ito. Alam ko may rason kung bakit ito nawala. Hindi rin sinabi sa akin ni Ina kung ano pero magtiwala lang daw ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako, nagising ako ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.

"Ate Autumn nandito na tayo"napadilat ako kaya napaayos ako sa sarili ko.

Napasilip ako para matignan ang Academy, malaki at malawak ang paaralan.

Dito nag aral din noon sila mama at ina pati sila tita at tito na kaibigan nila mama.

"Prinsesa Aya"pinagbuksan kami ng pintuan at sumunod na bumaba agad si Spring ng makababa ako.

Napansin ko agad ang mga nagkukumpulan na mga estudyante at nagbubulungan.

"Ganto ba dito?"malamig na bulong ko sarili ko.

"Oh my gosh, nakita na natin ang 1st princess ng Arcavia"

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now