HFM 10

1.6K 65 1
                                    

Sabrina Vergara Gariones

"Sally"tawag ko sa punong dama ko at nagmadali naman itong lumapit sa akin.


"Ano po maipaglilingkod ko mahal na prinsesa?"magalang na tanong nito sa akin.


Napanguso ako dahil sa tanong nito at nakita ko na ngumiti ito sa kinilos ko. Umiling ito sabay kumuha ng tasa at sinalinan ako ng tsaa.


"Salamat"sabay inom sa tsaa na binigay niya sa akin. Nang maubos walang gana na tinignan ko yung damit na pang training ko.



"Tulungan na po kita isuot yan mahal na prinsesa"alok sa akin ni Sally at mabilis na tumango ako dito.


Napatingin ako sa bintana ng tinutuluyan ko na kwarto at napabuntong hininga ako.


Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ako at napatingin ako sa malaking orasan dito sa kwarto ko.


3:05 ng umaga palang, inis na pinadyak ko ang paa ko at natatawang tinignan ako ni Sally.


"Pumunta ako dito para magbakasyon at makaiwas sa pagsasanay pero ano to, nakakainis"nakangusong sabi ko kay Sally.



"Isipin mo na lang po mahal na prinsesa, minsan lang humingi ng pabor si Prinsesa Aya"sabi nito sa akin at bigla ako napatingin sa kanya.



"Sally sa tingin mo pabor to? Utos ito ni Aya"walang gana na sagot ko dito.


"Pero parang pabor ito mahal na prinsesa, dahil kung hindi ay hahayaan lang po kayo ni Prinsesa Aya lalo na kung kaya naman niya po sanayin mismo ang mga kawal na hawak niya"paliwanag nito sa akin at napaisip ako sa sinabi nito.


Matapos ako bihisan ay lumabas na ako at nakita ko ang isang kawal, pamilyar siya at pumasok sa isip ko na si Arnel pala ito.


Isa sa mga anak ni Tito Ariel na pinsan ni Tito Yurian. Yumuko ito pra magbigay galang sa akin.


"Magandang umaga mahal na prinsesa, nakahanda na po ang lahat ng kawal"ulat nito sa akin at tumango naman ako.


Naisip ko sa field kami magsasanay lalo na gagamitin ko ang hangin para mas malaya ko malabas ang lakas ko.


Lumabas agad kami at ilang sandali lang nakarating na kami, malapit lang ito sa tinutuluyan ko kaya hindi na ako gumamit ng sasakyan.


Napatango ako dahil maayos sila at halata sa kanila na seryoso sila sa gagawing pag sasanay.


Nakakapag taka kung bakit gusto ni Aya bigla sanayin ang mga kawal na hawak niya. Lalo na may bagong kapitan na ang distrikto 10.


"Magandang umaga sa lahat, hindi lingid sa inyong kaalaman na binigyan ako ng pahintulot na sanayin kayo. Gusto ko lang malaman niyo na ayaw ko na hindi sumusunod sa utos ko. Lalo na ayaw ko din na masaktan kayo at makapatay ako dahil sa hindi pag sunod sa akin"may halong banta na sabi ko at madami ang napalunok sa sinabi ko.


Walang sabi ay naglabas ako ng Air ball at nasa isangdaan ang nilabas ko. Ngumiti ako sa kanila at nanlaki naman ang mga mata nila.


"Gusto ko iwasan niyo ang mga Air ball na pinalabas ko. Lalo na gusto ko malaman kung gaano kayo kabilis dahil mas sasanayin ko kaya sa pag depensa"at hindi na ako nag aksaya ng oras ng tinira ko sa kanila ang mga air ball.


Habang si Sally naman ay inayos ang tsaa na iinumin ko. Dahil malawak ang field kaya nilabas ko ang mga communication ball at may pinindot para lumabas ang mga hologram kung saan makikita ko ang nangyayari.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon