HFM 14

1.5K 77 6
                                    

Aya Arcavia

Nakarating agad kami sa palasyo kaya mabilis na bumaba ako, hindi ko na hinintay pa pagbuksan ako ng pintuan.

Maraming nagulat sa ginawa ko, hindi ko na sila hinintay pa makapag salita at pumasok na ako sa loob.

"Aya"tawag sa akin ni Kenna pero hindi ko ito pinansin.

Nakahawak pa din ako sa bandang puso ko ngayon na lang ulit ito tumibok ng mabilis.

Yung babaeng nakahalik sa akin ay sa kanya ko lang naramdaman ito. Lalo na makita ko ang mga mata nito na kulay grey na tila hinihigop ang kalooban ko.

Thump!  thump! thump!

Naalala ko nanaman ang labi ng nakakuha ng unang halik ko. Ang lambot na tila gustong gusto ko lagi ito maramdaman.

"Autumn"nawala ako sa iniisip ko at mabilis na tinignan ang tumawag sa akin.

Nakita ko si Mama Raine na tila nag aalalang lumapit sa akin at napansin ko na hinihingal ako.

"M-mama"hinihingal na tawag ko dito at niyakap agad ako nito kaya gumanti ako.

"Anong nangyayari sayo anak? May masakit ba sayo?"bulong sa akin ni mama habang nakayakap pa rin. Hindi ko namalayan na napapikit ako habang yakap niya.

Pagdilat ko ng mga mata ko nakita ko sila Kenna, Belle, Sabrian, Ate Juliana at Gabriel na naguguluhang nakatingin sa akin.

"Yesha"napakalas ako ng yakap kay mama ng marinig ko ang boses ni Ina.

"I-ina"sabay yuko sa kanya pero mabilis ako niyakap ulit ni mama.

"May masakit ba sayo Autumn?"tanong nito sa akin habang tinitignan ako sa mga mata.

"Wala po mama"tumuwid ako ng tayo sabay yuko din kay mama. Nakalimutan ko magbigay galang sa kanya at nag aalalang tinignan pa din ako nito.


"No, don't lie to me Autumn"seryosong sabi ni mama at napangiti ako dahil halatang nag aalala talaga siya sa akin.

"Pagod lang po ako mama"sabay halik sa pisngi nito. Lumapit ako kay Ina at hinalikan din ito sa pisngi pero napansin ko na may tinitignan si Ina.

Sinundan ko ang tingin nito at napansin ko ang hugis buwan ko na pilat sa kamay ay tila umiilaw.

"Bakit umiilaw ang pilat mo Aya?"tanong ni Gabriel sa akin. Hindi ko siya pinansin at tinignan ang kamay ko.

"Yesha, may nakausap ka ba na ibng tao? O may nakita kang isang pamilyar at bumilis tibok ng puso mo?"gulat na napatingin ako kay Ina ng tanungin ako nito at wala sa sariling napatango ako sa tanong nito.

Napabuntong hininga ito sabay tinignan si mama at nakita ko na nakangiti si mama kay ina.

"May isang oras pa naman bago mag simula ang pagpupulong. May pahinga ka muna"sabay halik ni Ina sa pisngi ko at mabilis naman ako nilapitan ni mama.


"Hatid na muna kita sa kwarto mo Autumn"hinawakan ako ni mama sa kamay sabay dala sa akin papunta sa kwarto ko.

Tila naubos ang lakas ko kaya sumunod na lang ako kay mama para makapag pahinga.

----

Kenna Silvestre Atlancia

Sinundan na lang namin ng tingin si Aya habang hawak ito ni Tita Cheska. Naguguluhan na napatingin kami sa kanila.

Nakita ko si Tita Antonette na tila may iniisip kaya lumapit ako dito para bumati.

"Magandang umaga Tita Antonette"sabay halik sa pisngi nito at mabilis naman na ngumiti ito ng maliit.

"O Kenna, sumama pala kayo kay Yesha"tila ngayon niya lang kami napansin.

Sumunod na lumapit sila Arrianne at Belle pati na din si Gab.

"Kumusta po Tita Antonette, namiss ko po kayo"bati ni Ate Juliana at ngumiti din si Tita dito.

"Julia nandito kana din pala, darating dito si James kasama si Jillian kaya hintayin mo na lang siya dito. Tiyak ako matutuwa sila makita ka"sabi ni Tita Antonette dito.

Ilang sandali lang dumating na si Tita Cheska kaya mabilis na lumapit kami dito at hinalikan siya sa pisngi.

"Kumain na ba kayo?"tanong nito sa amin.

"Yes po tita, pero gusto ko po sana ng tsaa"sabi ko dito sabay ngiti.

"Lemon tea? Okay sabihan ko ang dama ipaghanda kayo, punta muna kayo sa isang kwarto. Alam niyo naman na yun hindi ba?"mabilis na tumango kami dito kay tita at nagpaalam ito habang hatak si Tita Antonette.


Pumunta agad kami sa isang guest room na lagi namin tinatambayan nila Aya.

"Ano kaya nangyari kay Aya?"nag aalalang tanong ni Sabrina sa amin.

"Hindi ko alam, para siya nakakita ng multo kanina at buti na lang ng makita siya ni Tita Cheska napakalma niya si Aya"sabi naman ni Ate Julia at napatango kami.

Habang nag babyahe kami ay napansin namin na medyo nanginginig si Aya.

Isa pa napansin din talaga namin nung papunta palang kami dito ay yung pilat niya umiilaw kanina.

Dati nalaman namin may ganun si Tita Antonette pero sa ngayon wala na at tila napasa daw kay Aya pero walang nakakaalam kung ano yun maliban kila Tita Antonette.

Habang umiinom kami dito ng biglang bumukas ang pintuan kung saan kami nakatambay ngayon.

"Kumusta?"bati sa amin ni Reina at nakita ko na napairap si Sabrina dito.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko dito at nakita ko na tumaas ang kilay nito.

"May pagpupulong, sinama ako nila Ina dahil kailangan ko daw malaman ang mangyayari"sabay upo nito sa tabi ko at mabilis na inabot ng isang dama ang tasa na may tsaa.

"Nasan si Aya?"nakangiti na tanong nito.

"Nagpapahinga"sagot ko dito at tila pupuntahan nito si Aya dahil bigla ito tumayo.

Mabilis na kinuha ko kamay nito at hinatak siya sabay inupo ulit, gulat na napatingin ito sa akin dahil sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo Kenna?"sigaw nito sa akin pero tinignan ko ito ng masama.

"Huwag mo ako sinisigawan Reina"seryosong sabi ko dito at nakita ko na tinitignan lang ako ng mga ibang kasama namin.

Tila napansin nito na hindi ako nagbibiro kaya umupo ito ng maayos at walang gana na tinignan ako.


"Huwag mo puntahan si Aya, pinagpapahinga siya ni Tita Cheska dahil napagod sa byahe"sabi ni Ate Julia dito kaya napatingin sa kanya si Reina.

"Kaya wag kang makulit"dugtong ni Arrianne sa sinabi ng isa kaya natahimik ito.

Alam din namin na may gusto ito kay Aya, pero alam naman niya sa sarili niya kahit kailan hindi siya magugustuhan ng pinsan ko.


"Alam mong ayaw na ayaw din ni Aya may pumapasok sa kwarto niya"walang gana na sabi ko sabay inom sa tsaa ko.

Natahimik naman ito ng sabihin namin yun sa kanya. Isa sa mga ayaw namin sa ugali ni Reina pinagpipilitan niya ang sariling gusto.







Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu