HFM 42

1.1K 61 1
                                    

Aya Arcavia

"Ang kakausapin natin ay isang kilalang business man dito sa mortal world at may kilala din siya sa black market kaya matutulungan niya kayo"sabi ni lolo sa akin at napatango ako sa sinabi nito.



Nakita ko na tila nag aalala pa silang dalawa ng malaman na sa black market ang punta namin.



Sinabi nila sa amin na sobrang delikado doon lalo na maraming masamang tao na nandoon lalo na may mga makikita pa daw kami na hindi namin inaasahan kung sakali man.




"Nandito po tayo"huminto ang sasakyan at si Carl pala ulit ng driver namin.


May nagbukas ng pintuan at lumabas agad si Nini sumunod ako sa kanya. Habang sila lolo at lola sa kabilang side sila lumabas.



Namangha ako sa nakita ko dahil sobrang taas ng building na nasa harapan ko ngayon.




Sumunod kami kila lola ng pumasok  sila sa loob ng building at hinawakan ko sa kamay si Nini dahil ayaw ko mahiwalay ito sa akin.


Hinawakan ako nito sa bewang kaya napangiti ako. Napansin ko ang pagtataka sa mukha ng mga nandoon habang nakatingin sa amin lalo na sa amin ni Nini.


"Red hair?"


"Wow ang ganda nila!"



"Sino kaya sila?"



"Kaano ano kaya nila si President and Director?"



"Parang may kakaiba sa dalawa lalo na yung gesture nila"



"May relasyon yan"


Malamig na tinignan ko ang mga tao na nakatingin sa amin, natakot sila na umiwas ng tingin sa amin.



"President and Director"hinarap namin ang tumawag kay lolo at lola, napansin ko na may katandaan na ito.



"Mr. Salazar"tahimik na tinignan ko ito habang nilalaro ko ang kamay ni Nini.


Napansin ko na tumitingin sa paligid si Nini at hinayaan ko ito dahil alam kong gusto nito malaman na ligtas ba ang lugar.





"Sino pala ang dalawang dalaga na kasama niyo?"tinitigan ko ito ng tignan ako at napansin ko na binigyan ako ng kakaibang tingin nito na halos gusto ko ito sunugin sa paraan ng pagtitig niya sa akin at maging kay Nini.



Mukhang napansin ni Nini na nagbago ang mood ko at hinalikan ako nito sa noo para kumalma.



Nabigla yung lalaki sa ginawa ni Nini at yumakap ako dito.  Binigyan din ng masamang tingin ni Lolo yung matandang lalaki.





"Mr. Salazar magkaibigan tayo pero huwag na huwag mong titignan ng ganyan ang mga apo ko"malamig na sabi ni lolo dito at nilapitan ako ni lola.



Hinawakan ni lola si Nini ng makitang susugod ito at mas hinigpitan ko din ang yakap ko dito.



Lalo na maaaring matakot ang mga mortal sa amin dahil may kapangyarihan kami na hindi normal sa kanila.




"Ah I'm sorry Mr. Menuer hindi ko alam na apo niyo pala sila"takot na sabi nito kay lolo at umiwas ito ng tingin.




"Kahit kanino huwag mo na gagawin ang pagtingin ng ganyan, nakakaawa ang asawa at mga anak mo dahil sa ugali mo na ganyan"sabi ni lolo dito at pinalapit nito ang mga lalaking tila bantay niya.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon