HFM 17

1.6K 69 4
                                    

Reina Janne Hollar

Hindi ko mapigilan na makaramdam ng galit sa nakahawak ngayon sa bewang ni Aya.

"Reina mag uusap tayo mamaya"napatingin ako bigla kay Ina ng makita ko ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Nakita ko si mama na ganun din ng tingin na binigay sa akin. Tila may nagawa akong isang nakapa laking kasalanan.

Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong may nagawa talaga akong kasalanan.

Mabilis na hinawakan ako ni Ina at tinabi sa kanila ni mama habang kausap ang reyna.

"Antonette"tawag ni Ina kay Tita Antonette at tumingin bigla ito kay Ina at nakita ko na dumaan din ang tingin nito.

Tinignan ako nito ng blanko pero ngumiti din agad na para wala akong ginawa kanina.

"Jade, may kailangan ka?"tanong nito kay Ina at naramdaman ko ang higpit ng kapit nito sa akin.

"Patawarin mo ang anak ko sa kasalanan niya"yumuko si Ina at naramdaman ko na pilit din ako pinayuko ni Ina.

Mabilis na yumuko ako kay Tita Antonette at ilang sandali lang ay tumawa ito bigla sa akin.

"Ahh wala yun hindi ako galit sa ginawa ni Reina, alam natin na mas pinairal lang niya damdamin niya"may halong biro na sabi nito kaya mabilis na umayos kami ng tayo ni Ina.

"Hindi pa rin po magbabago ang kahilingan ko kung sakalin man"buong disisyon na sabi ko sa kanila at nakita ko na ngumisi si Tita Cheska na nasa tabi pala ni Tita Antonette.

"Kung ganun siguraduhin mong mananalo ka talaga Reina lalo na dumating na siya"napatingin ako kay Tita Antonette ng banggitin niya ang isang bagay na hindi ko maunawaan.

Nakita ko si mama na napabuntong hininga sa tabi ko ng marinig ni Tita Antonette ang sinabi nito.

Ngumiti ng malungkot bigla sa akin si Ina at hinawakan ako sa balikat nito kaya mas lalo ako nagtaka.

Tumingin bigla si Tita Antonette kay Aya at sinundan ko ito ng tingin ng makita ko ang isang panibagong pangyayari.

Ang mga mata ni Aya ay tila kumikislap habang nakatingin sa nakamaskara na nasa tabi niya.

Namumulang pisngi at tenga na tila nahihiya ito pero hindi nito inaalis ang hawak nito sa bewang.

Habang ako naman ay nung ginagawa ko yun kay Aya ay pilit nito inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya at kung tignan ako nito ay walang emosyon.

"Reina"tinignan ko si Tita Cheska ng tawagin ako nito at nakita ko na nakangiti ito sa akin.

"Tita Cheska"tawag ko din dito at ngumiti ako pero pilit lang dahil sa nasaksihan ko.

"Mukhang pagod ka ata Reina, mag pahinga ka muna lalo na nasaktan ka sa nangyari"nag aalalang sabi nito at hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya. Yung tumalsik ba ako kanina o yung nasaksihan ko ngayon ngayon lang.

"Ayos lang po ako tita"sabay ngiti dito. Tumango naman ito sa akin at nakita ko na nakatingin sa akin si Tita Antonette na tila binabasa ang isip ko.

Lumihis ako ng tingin dahil naiilang ako sa tingin na binibigay niya lalo na magkaparehas pa sila ng mata ni Aya.

"Reign, manang mana sayo ang anak mo"napatingin kami sa lalaki na kamukha ni Tita Antonette at nakilala ko agad ito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now