HFM 41

1.1K 59 5
                                    

Aya Arcavia

Pagkatapos namin kumain ay inaya kami ni Lola na manood sa living room nila.


Namangha ako sa nakikita ko dito dahil dahil may mga kapareho na bagay dito at sa mundo namin.




Habang naghahanap pa ng papanoorin ay naglibot muna ako mag isa dahil may tinitignan si Nini sa mission na gagawin namin.




"Si Ina ba ito?"kinuha ko ang litrato at napangiti ako ng makita ko ang batang picture ni Ina.




"Anim na taong gulang dyan si Antonette"napatingin ako kay lolo ng makita nito ang hawak ko.




"Hindi pa marunong ngumiti dyan si Antonette at lagi itong nakasimangot"kwento nito sa akin at hanggang sa tinignan namin ang mga picture pa.



Nakita ko ang picture ni Tita Timmy, Tita Tory at maging ni Ina. Makikita na masaya sila sa picture kahit na hindi nakangiti si Ina pero makikita sa mata niya ang saya.




"Puntahan ko lang lola mo"paalam sa akin ni lolo at tinanguhan ko lang ito.



Habang tinitignan ko ang mga picture ay may narinig akong nabasag na bagay.



Pinuntahan ko yun at may nakita akong isang babae at nasa labing limang taon na gulang ito base sa pangangatawan niya.




Tila natataranta itong pinulot na nabasag na gamit. Nakita ko na tinulungan ito ng dalawang babae pa.




Mukhang napansin nila may nakatingin sa kanila ay naangat nila ang tingin sa akin.



"Miss, ikaw po pala, sorry po hindi ko sinasadya"sabi nito sa akin at tinitigan ko lang sila.



Napansin ko na natakot sila sa tingin ko at hindi ko sila inimikan dahil may napansin akong kakaiba sa batang tinitignan ko.



"Lili"naalis ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang boses ni Nini.



"I'm here"kuha ko sa atensyon ni Nini at pumasok ito kung nasaan ako. Nakita nito ang basag na baso at nilapitan niya ang tatlo.




"Linisin niyo na yan, baka masugatan pa kayo. Kumuha kayo ng pang linis"mahinahon na sabi ni Nini sa kanila at kinuha nito ang kamay ko sabay hila sa akin palabas.



Tinignan ko muna ang tatlo sabay sunod na din kay Nini hanggang sa dinala ako nito sa living room.



----

Thirdperson POV

"Akala ko tatanggalin na ako"sabi ng dalagita na nasa labing limang taong gulang. Habang ang dalawang kasama nito ay tulala na nakatingin sa kakaalis lang na dalawang babae.




"Hoy"tawag nito sa kasama at nawala ang pagkatulala nilang dalawa.



"Ang ganda nila noh"mangha na sabi ng dalawa at napatango naman ito.




"Oo lalo na yung kulay ng mga mata nila nakakamangha isama mo pa yung kulay ng buhok"sabi pa nilang tatlo dahil sa pagkahanga.




"Pero natakot ako kay Ms. Aya lalo na titigan ako nito sa mata. Masyadong malamig ang binibigay niyang tingin. Lalo na nakakalunod ang kulay Asul niyang mata"sabi ng pinakabata sa kanila at napatango naman sila dahil doon.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant