HFM 19

1.6K 79 9
                                    

Krystal Yuu Drior

Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Prinsesa Aya at tinawag nito ang dama niya.

"Ngayon ko lang nakita na ganyan si Aya"napatingin ako kay Prinsesa Julia ng sabihin niya yun sa akin.

"Baka may nangyari?"tila naguluhan na sabi ko dito. Dahil alam ko naman sa sarili ko na may nangyari talaga.

"Oo, isa pa kahit na galit si Aya ay hindi nito basta basta pinapakita ang emosyon niya kung sakali man"paliwanag nito sa akin at tinignan ko ito at naramdaman ko ang init na galing sa mukha ko.

Sa totoo lang matagal na din kami magkakilala ni Prinsesa Julia, bago siya pumunta noon sa Atlancia para mag aral ay lagi kami magkakasama.

Isa pa kada dumadating ang bakasyon ay dederetso ito sa headquarters area namin noon.

"Kyrstal"napabalik ako sa realidad ng marinig ko na tinatawag ako ulit nito.

"Paumanhin mahal na prinsesa, may bigla lamang ako naalala"sabay yuko dito pero naramdaman ko na hinawakan ako nito sa balikat.


"Krystal hinihintay na tayo"hinawakan ako nito sa balikat sabay hawak sa kamay ko at naramdaman ko na medyo malamig ang kamay niya.

Napangiti na lang ako ng palihim, ilang taon din kami hindi nagkita at namiss ko hawakan ang kamay niya.


------

Juliana Arcavia

Napangiti ako ng palihim ng maramdaman ko na hawak ko ang kamay niya.

Matagal din nung huli ko ito mahawakan, kahit na nakamaskara sila ngayon ay nakilala ko agad ito.

May isang bagay lang ako kinakabahala at iyon ay tungkol kay Serene.

Noon pa man ay hindi ko pa nakikita ang mukha nito, ang tanging naalala ko lang nakakaalala sa mukha niya ay walang iba kundi si Aya.

Wait ano ba yung iniisip ko? Ahh hawak ko ang kamay ni Krystal ngayon, matagal tagal ko din ito pinanibikan.

Weird may iniisip ako kani-kanila lang pero ay bahala na nga..

-----

Someone's POV

"Patawad kung ginamitan kita ng kapangyarihan ko, hindi mo pa dapat malaman ang lahat"sabay diin na pinikit ko ang mga mata ko.

Hindi pa pwede mapansin ng iba ang tungkol sa kanya maaaring malagay sa panganib ang kung sino man makakaalam.

"Good job"napatingin ako sa isang kasama ko na ginamitan ako ng telepathy.

Tinanguhan ko ito pero palihim ako natawa, kada gagamit siya ng lengwahe ng Atlancia ay natatawa ako.

Isa yun sa kailangan namin gawin, para maprotektahan siya dahil utos mula sa ikatataas.

Tinignan ko ito at napangiti ng malungkot, ayaw ko ginagamit ang kakayahan ko na yun lalo na sa kanya.

Patawad!


-----

Aya Arcavia

"Mahal na Prinsesa Aya nandito na po tayo"mabilis na napadilat ako at hinihingal ako dahil hindi ko namalayan na ang tagal pala namin nag halikan ni Lianne.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon