HFM 9

1.6K 80 0
                                    

Juliana Lairre Glacier Arcavia

"Magandang umaga"mahinhin na bati ko sa ikalawang pangkat na hawak ko.

Nakita ko na ngumiti ang mga kawal nang batiin ko sila, hindi pa sumisikat ang araw ay nakahanda na sila.

Napangiti ako dahil unang araw ng pagsasanay ay maganda na agad ang pinakita nila.

"Magandang umaga mahal na prinsesa"sabay yuko nila sa akin.

"Magsisimula ang pagsasanay natin ngayong umaga ay ang pagtakbo, kailangan muna ninyo palakasin ang pangangatawan. Lalo na mas kakailanganin niyo ang lakas at bilis at lalo na sa pagiging maliksi sa gagawin natin na pagsasanay"mahinhin na paliwanag ko sa kanila, nakita ko na taimtim sila na nakikinig sa akin.

"Ngayon ay simulan na ang pagtakbo, sa loob ng isang oras kailangan ay makarating kayo sa tuktok ng bundok ng Mt. Liwai. Ang sino man ang hindi makarating sa loob ng isang oras ay hindi makakakain at hindi magpapahinga, magkakaroon din ng parusa. Isang parusa na hinding hindi niyo magugustuhan"mahinhin na sabi ko pa rin sa kanila pero mararamdaman ang pagbabanta sa sinabi ko.

Napangiti ako ng makita na tila namutla sila sa sinabi ko at sabay ngisi sa kanila.

Tinaas ko ang isang kamay ko at nilabas ang isang maliit na dark ball, tinutok ko ito sa mga kawal at nakita ko na naguguluhan sila.

"Simulan na"mabilis na sigaw ko sa kanila sabay hagis ng dark ball na nilabas ko at nataranta ang mga kawal ng makita na paparating sa kanila.

Nilabas ko ang isang maliit na communication ball at naging isang maliit na speaker ito.

"Oppsss huling paalala, bawal gumamit ng mahika"seryosong banta ko at nakita ko na huminto ang mga ito sa pag gamit.

"Queenie"tawag ko sa guardian ko na isang leopard. Gumawa ito ng isang tunog na tila masayang tinawag ko siya.

"Alam mo na ang gagawin mo"sabay tinuro ko sa mga kawal na nag uunahan at iniiwasan ang mga dark ball na pinalabas ko.

Maririnig ang mga malalakas na pagsabog na nangyayari. Mabilis na sumugod na ang guardian ko, napangiti ako dahil sa naririnig kong sigawan na ginagawa nila.

"Mahal na Prinsesa Julia, tumatawag po si Prinsesa Aya"napatingin ako kay Elma ang punong dama ko.

Nakalahad ang kamay nito habang tumutunog ang hawak nitong communication ball.

Lumabas ang pangalan ni Aya at alam ko na ang dahilan, sa totoo lng tatawagan ko din sana siya dahil may napansin ako.

Pinindot na ni Elma ang communication ball at ilang sandali lang ay lumabas ang isang hologram.

"Aya, Anong meron?"tanong ko dito habang umiinom ako ng tsaa. Umupo ako at tinignan ito. 

"Ate Juliana did you know about the upcoming event?"malamig na tanong nito sa akin. At ngumisi naman ako dahil ngayon lang pumasok sa isip ko ang paligsahan na nangyayari kada taon sa Arcavia.


"Nah, nakalimutan ko tungkol doon, tatanungin sana kita tungkol sa pag hingi mo ng pabor para sanayin ang mga kawal. Ngayon alam ko na ang sagot"mahinhin na sabi ko dito at nakita ko na ngumiti ito ng maliit.

"Alam ko din na may other reasons kung bakit mo pinasanay pa sa amin ang mga kawal"dagdag ko pa sa sinabi ko sa kanya.

Nakita ko na dahan dahan nito pinatunog ang isang daliri sa mesa. Napangiti ako dahil kahit ilang taon na din ang lumipas hindi pa rin nagbabago si Aya.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon