HFM 16

1.5K 70 6
                                    

Silvia Spencer Ferior

Napatingin ako kay Serene ng makita ko ang hawak nito na suman. Ilang oras namin ito hinahanap sa buong kapitolyo at malalaman namin na galing siya distrikto 10.

"Serene ano ba talaga ginawa mo sa distrikto 10?"hindi ko mapigilan na tanungin ito.

"May tinignan lang ako doon na wala dito sa Kapitolyo"walang emosyon na sabi nito sa akin at napataas ang kilay ko.

Tinignan ko si Krystal siya ang nakakita kay Serene sa kapitolyo pero umiling lang ito sa akin.

"Serene penge ako suman"napatingin kami kay Joyce ng humihingi ito ng suman kay Serene.

"May pag bibigyan ako nito"mahina na sabi ni Serene sabay namula ang mukha nito na ikinatingin naming apat.

"Bakit namumula mukha mo Serene?"tanong ni Minerva dito at bigla naman naging seryoso ulit ang aura nito.

"Mainit lang"maikling sagot nito pero may halong pagbabanta. Banta na kapag nagtanong pa ay may hindi magandang mangyayari.

Nagkatinginan kaming apat sabay lihis ng tingin kay Serene, dahil kilala namin ito kapag nagalit.

Hanggang sa dumating na kami sa palasyo ng Arcavia. Ilang sandali lang ay mabilis na lumabas si Serene at hindi man lang hinintay buksan ng kawal ang sasakyan.

Nagsiyukuan ang lahat sa amin at buti na lang nakasuot na kami ng maskara kundi nakita ang mukha namin.

"Serene"tawag ko dito pero hindi ito lumingon at mabilis na nawala.

"Mauna na tayo sa bulwagan, tiyak akong nandoon na sila"tumango na lang ako sa sinabi ni Krystal sa akin.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan at nakita namin agad si Reyna Antonette at ang asawa nito na si Reyna Francheska.

Yumuko kami para magbigay galang at nakita namin na medyo madami din ang nandito at naagawa ng atensyon namin ang anim na babae na nakadress.

Mas napukaw ng atensyon ko ang isang babae na nakatingin sa akin at nakilala ko agad ito.

Kahit ngayon ko palang siya nakita ay alam na namin agad kung sino sila, ang mga prinsesa ng Atlancia at ang anak nila Reyna Antonette.

Napangisi ako ng palihim ng makita ko na tila may mangyayari na kakaiba.

May lapastangan na nakahawak ba naman kay Prinsesa Aya. Natahimik ang lahat hanggang sa binati kami ni Reyna Antonette.

"Ikaw!"sigaw ng babaeng naka dress na kulay asul at tinuro nito si Joyce.

Nakita namin na tumawa si Joyce at napailing na lang kami dahil tila inaasar pa nito ang isang prinsesa.

Humarang agad ang isang babae at nakilala ko agad ito. Palihim ako sumiko kay Krystal at alam ko na agad ang naging reaksyon nito.

"Silvia"asar na bulong nito sa akin at napailing na lang ako. Alam ko na tinitignan nito ang prinsesa ng Arcavia na si Juliana Arcavia.

Hanggang sa hindi namin namalayan na may narinig kami na tila lumipad na bagay.

Gulat na napatingin kami ng makita ang isang babae na nakahawak kanina lang kay Prinsesa Aya.

Ngayon ay tumalsik at nabalik ang lahat sa pagkabigla ng lumapit ang bise kapitan ng distrikto 10.

"R-reina"pinuntahan din agad ito ng asawa niya na kapitan. Napailing na lang kami nila Krystal sa nangyari.

"A-ahm who are you?"rinig natin na tanong ni Prinsesa Aya kay Serene at nakita namin na magkayakap pala sila.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now