HFM 49

1.1K 51 1
                                    

Thirdperson

"Sheryl kailan matatapos ang pag kalat ng mga portal?"nanginginig na napayuko ang babae ng tanungin siya ng kanilang leader.





"Malapit na po, konting panahon pa po at sinisigurado kong kakalat na ang portal sa buong Atlancia at Arcavia"nakayukong sagot nito sa leader ng kanilang grupo.





"Gusto ko mas mapabilis pa ang pag kalat ng mga portal, hinihintay na tayo ng mahal na Dyosa Selina"lumapit ang nasabing leader sa nakayukong babae.




Napapikit ito ng maramdaman niya ang ginawang pag hawak sa leeg nito at naramdaman niya ang lamig ng kamay nito at ang labi sa kanyang leeg.





"Faith nanghihina pa ako ngayon, hindi ko na kaya magbigay ng dugo sayo ngayon"mahinang tutol niya dito at marahas na hinawakan siya sa leeg nito.






"Tinututulan mo na ba ako Sheryl? Huwag mong sabihin may iba ka?"galit na sabi nito sa babaeng sakal sakal at umiling naman ito.





"H-hindi pinuno naubos lang ang lakas ko sa pag gawa ng portal lalo na nakakaubos ng mana ang ginagawa ko"paliwanag nito ng makita ang pag iiba ng kulay ng mga mata nito sa pula.




"Sa ngayon pag bibigyan kita Sheryl pero siguraduhin mo na matatapos mo ang mission mo. Lalo na pabalik na si Dyosa Selina mula sa mundo ng mga halimaw"inalis nito ang pagkakasakal at tumango sa kausap.





Napabuntong hininga siya ng umalis na sa kanyang kwarto ang kausap kanina at nakaramdam siya ng pagkakalma.





Alam niya sa sarili na hindi siya mapapahamak sa ngayon lalo na isa siya sa may kakaibang kakayahan na mahirap mahanap.





Pagiging Portal Maker ay isa sa mga rare magic at sinasabing isa sa mga lost magic ng History of Atlancia.




Nahiga siya at napatingin sa kisame ng kwarto dahil alam niya na kailangan niya na matapos ang mission bago dumating ang Dyosa.





"Once na matapos ang mission ko ay alam kong magiging isa ito sa dahilan para mawasak ang mundong ito"nasabi na lang niya sa sarili.




----

Serene Lianne Heaven

"Nini ayos ka lang?"tanong sa akin ni Lili at napangiti ako ng makita ko ang pag aalala nito sa akin.




Nakabalik na kami sa Academy at nabigay kay Headmistress ang mga pinakuha nilang magic item.





Nalaman namin na hindi nagawa nila Gabriel at Franco ang mission dahil sa nakita nila na pinamamahayan na pala ng mga goblin ang nasabing Dream Cave.





Isa yun sa iniisip ko lalo na alam ko may kinalaman ang kakambal ko sa mga nangyayari dito ngayon sa Atlancia.





"Ayos lang ako Lili, sige na makinig ka muna sa lesson"sabi ko dito at ngumiti naman ito dahil nakita niya na nginitian ko din siya.





Makabalik ito ay tinignan ko si Wina at tumango ito dahil nasabi niya sa akin ng makabalik ako ng nakaraan.




May mga demon siyang nakalaban at hindi lang yun, isa yun sa mga mababang uri ng demon pero nakakapagsalita ng lengwahe ng Atlancian at Arcavia.




"Nini?"napabalik ako ng tingin kay Lili ng makita ko na naguguluhan na tinignan ako nito. At doon ko lang napansin na tapos na ang klase namin.




Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now