HFM 29

1.3K 74 4
                                    

Aya Arcavia

Nakatanaw ako kung saan kita ang buong distrikto 10. Malungkot na tinignan ito dahil kasalanan ko kaya nangyari ito.

Bumalik sa isipan ko kung paano binalita sa akin ni Luna ang guardian ko tungkol sa kakaibang nangyayari.

-FLASHBACK-

Matapos ang pag gala namin ni Lianne ay hindi namin na namalayan ang oras kaya gabing gabi na kami nakabalik.

Hinatid ako ni Lianne pagkatapos ay umalis na din ito. Pagpasok ko ng kwarto ay siyang pagdating ng fire Phoenix ko.

"Luna"lumapit ito at pumunta sa kamay ko hinawakan ko ang nag aapoy na pakpak nito.

Tinitigan ako nito at binasa ang nasa isip nito.

"Prinsesa Aya may mga kakaibang nilalang ako nakita, tila papunta sila ng distrikto 10 may nakita din akong dalawang nilalang na tila inuutusan ang mga nilalang na yun para sumugod. Kaya kailangan niyo na magmadali mahal na prinsesa"

"Luna mauna ka sa distrikto 10, siguraduhin mo na mapipigilan mo kung ano man yun. Ihahanda ko ang mga kawal"utos ko dito at mabilis na lumipad ito para bumalik sa distrikto 10.

Ilang minuto lang ay hinanda ko na agad sila Ariel pinaliwanag ko sa kanila na may sumusugod sa distrikto 10.

Gumamit ako ng isang spell para madala silang lahat. Pagdating namin ay mga nasusunog na kabahayan at may mga halimaw na din kami nakita.

Hindi ko pinakita na nagulat ako at mabilis na pinakilos ko sila Ariel para ilikas ang mga mamamayan at magawa ko tanggalin ang mga apoy.

"Aghhhhh"napatingin ako sa halimaw na papasugod sa akin at mabilis na nilabas ko ang espada ko na gawa sa apoy.

Mabilis na sumugod ako at pinagsasaksak ang katawan nito. Sinunog ko ang loob nito at umungol ito na tila nasasaktan at walang sabi na sinaksak ko ito sa mata.

May napansin akong kakaiba sa mata nito tila may kakaibang ilaw at ng masaksak ko ito ay tila may bato akong nakita kaya nilagay ko sa bulsa ko.

"Patamaa  ang mga mata ng halimaw yun ang kahinaan nila"sigaw ko sa malalapit na kawal sa akin.

"Masusunod po mahal na prinsesa"mabilis na iniwan ko sila para puntahan pa ang iba.

Sinabi ko sa kanila ang kahinaan ng halimaw at sinunod nila ang utos.

Hindi ko pinapakita sa kanila pero nakaramdam ako ng takot dahil sa nakita ko na madami ang namatay na mamamayan at kawal.

"Sa likod mo po mahal na prinsesa"napatingin ako sa kawal na sumigaw at tinignan ko ang likod ko ng makita ko ang isang halimaw at hindi ko namalayan na bigla na lang sumabog sa paningin ko ito.

"Yesha"nilingon ko ang boses na yun at nakita ko si Lianne na malamig ang tingin na binibigay sa akin.

Lumapit ito at mabilis na niyakap ako at gumanti din ako ng yakap dito dahil nakaramdam ako ng pagka gaan ng loob.

"P-aano mo nalaman na umalis ako?"tanong ko dito.


"Mamaya ubusin muna natin ang mga Cyclone"kahit na nagtataka ako ay sinunod ko ang sinabi nito.

Kada may lalapit sa kanya at tinataas lang nito ang kanang kamay niya at sumasabog na ang mga halimaw sa harapan niya.

Hindi ko na ito pinansin at nakipag laban na din ako. Kapag may lumalapit sa akin at hinahagisan ko ng fire dagger sa mata agad ang mga halimaw.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now