HFM 50

1.2K 56 3
                                    

Thirdperson

Puro iyakan at sigawan ang maririnig sa buong panig ng Atlancia at Arcavia dahil sa biglaan pagsakalay ng mga halimaw.




"Tulonggggg"




"Inaaaaa, Amaaaaa"





"H-halimawwwww"




Kanya kanyang hingi ng tulong at pagtakbo ang ginagawa ng mga Arcavia at Atlancian.




Ang payapa na lugar ay naging magulo bawat sulok na mga lugar ay may sira sirang gamit at nasusunog na bawat lugar.





"Magpunta ang lahat sa mga undergrounds ng bawat distrikto. Lahat ng mga mamamayan ay magtungo doon. Hanggat maaari lumalaban ang kanyang lumaban. Darating na ang mga tulong galing sa palasyo"sigaw ng mga kawal at mabilis na nililikas ang mga mamamayan.




Dahil sinanay sila ng kanilang mga kapitan ang tungkol sa mangyayari na gulo kung sakali man.





Dumating na ang araw na yun na hindi man lang nagbigay ng babala sa lahat.





"Arghhhhhh"ungol ng mga halimaw at halos manghina ang iba dahil sa nakikita nila kung paano paslangin ng halimaw ang mga nahuhuli nito.




"Barrier magtulong tulong sa pagbuo ng barrier"sigaw ng iba at halos lahat ng mga nilalang ay marunong gumawa ng barrier.




"Takbooooo"sigaw ng lahat at halos magkakasalpukan na ang lahat dahil sa nangyayari.




May mga batang nag iiyakan dahil sa takot ng mga nararamdaman. Lahat ay ginagawa ang paraan para maraming malikas.




Puro tunog ng espada at mga paglabas ng mga kapangyarihan ang nakikita. Marami ang mga katanungan na pumapasok sa isip nila.




Bakit ngayon pa? Maraming taon ang lumipas na naging payapa ang mundong ito.




"Ako na ang bahala dito, tulungan niyo makalikas ang iba"napatingin ang lahat ng dumating ang babae.




Ang hinihintay ng lahat ang kanilang magiting na reyna na si Antonette Arcavia at kasama nito ang asawang si Francheska Arcavia.





"Mahal na reynaaaa"sigaw ng lahat at mabilis na naglabas ito ng kapangyarihan at maging ang guardian nitong dragon.






"Bilisan niyo at lumikas, alam niyo na kung saan kayo pupunta kapag may gantong pangyayari"mabilis na kumilos ang lahat ulit dahil sa sigaw ng  Reyna na si Francheska.






"Arghhhhhh"mahinang ungol ng halimaw ng bumagsak ito dahil sa apoy na tumama sa kanya.





"Maghanda sa papalapit na gulo, alam niyo na maaaring mangyari ito kaya hanggat may lakas kayo lumaban at magligtas ng mga mamamayan"sigaw ng bawat Kapitan sa mga distriktong hawak at nagkanya kanyang tulong ang lahat.




----

ATLANCIA..


"Mahal na reyna nagkakagulo na po sa bawat lugar dito sa Atlancia, biglaang pag sulpot ng ibang portal sa mismong lalawigan"ulat ng mga konseho at mabilis na lumabas ang lahat.





"Ihanda ang mga kawal, magbigay depensa sa lahat ng mga lalawigan. Ilikas ang lahat at ang iba naman ay lalaban sa mga halimaw na lumulusob"utos ni Heria sa mga tauhan at mabilis na kumilos ang lahat dahil ginamit nito ang isa sa mga communication spell na maaaring mag connect sa lahat ng panig sa Atlancia.





Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon