HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]

803 52 3
                                    

Arrianne Silvestre Salvador


"Ayos ka lang Arrianne?"tanong sa akin ni Heidi at tumango ako dito. Dahil ng makaalis kami 2 days ako sa Academy para gawin ang mission ay marami agad kami nakakalaban.







"Bakit dito pa tayo pinadala sa Mt. Weltiry kung saan isa sa mga forbidden mountain ng Atlancia"reklamo ko at napaupong tinitignan ang folder na hawak ko.







"Dahil dito lang mahahanap ang Isang magical leaf na binigay na mission sa atin"sagot ni Heidi sa akin kaya napatango ako. Sa totoo lang ngayon ko lang napansin na madaldal din pala ito.






Kapag nasa academy kami at Arcavia noon hindi ito pala salita na ikinagulat ko.






"Malayo pa ba tayo?"tanong ko habang umiinom ng tubig at matapos ay binigay ko ito kay Heidi na kinuha agad.






Namulang umiwas ako ng makita ko ang paglapat ng labi nito sa ininuman ko.






"Nandito na tayo paanan ng Mt. Weltiry"tumingin ako sa paligid at masasabi ko na walang masyadong makikita na kakaiba maliban sa mga tuyong dahon at mga puno.





Sinasabi na delikado dito kapag sumapit ang gabi. Pero ngayon ay unting unti na dumidilim kaya mapapansin na ang nakakatakot na kapaligiran dito.







"2 days na tayong walang pahinga, Magtatayo tayo ng tent sa isang mataas na puno dito. Nanghiram ako kay Silvia ng tent na maaari natin gamitin"sabi nito at tinulungan ako nito tumayo at binitbit ang isang bag ko.






Ilang oras din ang pagtakbo at lakad ang ginawa namin para makarating sa gitna ng bundok na ito.





Sa totoo lang sobrang taas ng mountain na ito at sinabi sa akin ni Heidi na nasa tuktok ang hinahanap namin na magical leaf.






"Paano mo pala nalaman ang tungkol sa magical leaf kung saan mahahanap ito?"tanong ko dito habang hawak ang kamay niya na ngayon ko lang napansin.






"Secret, malalaman niyo din ang tungkol sa amin"sagot nito na ikinataka ko dahil ang layo ng sagot niya sa tinatanong ko.







"Okay"sabi ko na lang at mas hinigpitan nito ang hawak sa kamay ko ng mapansin ko na may tinitignan ito.






Tatanungin ko sana ito ng manlaki ang mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.






"Wha-what is that?"nasabi ko habang nakatingin sa papalapit na halimaw.






Kulay pula ang buong katawan nito may kulay itim na mga mata at may buntot na matulis.






Nanlilisik din ang mga binibigay nitong tingin na ikinataas ng buhok ko sa batok.






"Demon"rinig kong bulong ni Heidi at mabilis na hinatak ako nito at hindi ko namalayan tumatakbo na kami.





Sumunod ako sa kanya at naramdaman ko na bumibilis ang sumusunod sa amin.






"Huwag kang titigil Arrianne, hindi natin pwede harapin ang naligaw na demon dito"sigaw nito sa akin at tumango ako pero ilang minuto na kami tumatakbo pero nasa likod pa rin namin ang demon na sinasabi niya.







"Ahhhhh"sigaw ko ng makita kong may kulay itim na likido itong binuga at mabilis na binuhat ako ni Heidi at napansin ko na nag teteleport na ito.







Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα