HFM 23

1.4K 74 2
                                    

Aya Arcavia

Nilapitan ko si Ariel ng matapos ang laban nila sa distrikto 3, natalo sila dahil ang distrikto 3 ay expertise nila ay ang defense.

Kaya hindi nila nagawan mabuwag ang defense ng kalaban nila kaya ang nangyari ay natalo sila.

"Ariel"tawag ko dito ng makalapit ako sa kanila.

"Mahal na prinsesa patawad po"lumuhod ito sa akin at nakita yun ng ibang kawal. Kaya sumunod din ang iba sa kanya ngumiti ako dito.

"Tumayo ka Ariel, maging proud ka sa nangyari dahil natalo niyo ang kalahati sa distrikto. Nakagawa kayo ng panibagong history para s distrikto 10. Napatunayan niyo na kaya niyo baguhin ang lahat ng mga pangit na naging tingin sa inyo"sabay hawak sa balikat nito. Nakita ko na naluha ang ibang kawal dahil sa sinabi ko.

Nagkaroon ng hindi magandang imahe noon ang distrikto 10, dahil sa dating kapitan nito at lalo na halos mga bandido pa ang nagkampo doon.

Pati ang mga mamamayan doon ay naghirap dahil doon. Lalo na ng unang makita ko ang kalagayan nila doon.

"Mahal na prinsesa aya, maraming salamat"masayang sabi nila sa akin at yumuko para magbigay galang sa akin.

"Hindi dapat kayo magpasalamat sa akin, kundi sa mga kasama ko at maging sa sarili niyo. Dahil yan naging bunga ng pagsasanay niyo"sabay tingin kila Kenna at nakita ko na nakangiti sila habang pinag mamasdan sila.

Inutusan ko ang mga dama ko para bigyan sila ng pagkain at makapag pahinga sa tent ng distrikto 10.

Hinayaan ko din na mag stay silang lahat doon lalo na mapapanood pa rin naman nila ang laban dahil nagkalat ang mga hologram.

"Madami ang natuwa sa pinakita ng distrikto 10. Lalo na first time lang sa kanila na magkaroon ng ganun katagal na laban"sabi sa akin ninAte Julian ng makalapit ako sa kanila.

"Pinagpahinga ko muna sila at pinakain lalo na alam ko naubos ang lakas nila"naramdaman ko na hinawakan ni Lianne ang kamay ko.

Napabalik ang tingin ko sa stage ng makita ko ang dalawang malakas na distrikto.

Lumabas ang kapitan at dalawang bise kapitan nila. Makikita ang kulay ng mga kapa na suot nila.

-----

District 1- Black
District 2- Red
District 3- Blue
District 4- Violet
District 5- White
District 6- Brown
District 7- Green
District 8- Grey
District 9- Pink
District 10- Yellow

------

Kilalang kilala sa lahat ay ang kulay pula na kapa ng distrikto 2 dahil sa kapitan nito na si Tita Jade.

"Woooooooahhhhhh"

"Distrikto 2!"

"Distrikto 1"

"Kyaaaaahhh!  Kapitan James"

"Kapitan Reignnnnn"

Kanya kanyang pag cheer ang lahat dahil alam nila na ang dalawang ito ang laging naghaharap sa huli.

"Papaaaaaaa,Mamaaaaaa"gulat na napatingin ang iba ng sumigaw si Ate Julian.

Natatawang tinignan siya ng katabi niya na kasamahan ni Lianne. Napansin ko na masyado silang clingy sa isa't isa.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now