1-My Mage System

3.2K 236 60
                                    

"Lumayas ka! Wala kang kwenta! Pinatira ka namin dito, pinakain, pinag-aral tapos ito lang ang isusukli mo sa'min, James?! Huh?!" bulyaw na sambit ng tiyahin ni James.

He is 20 years old and is wearing now a uniform of their school. Black coat with black necktie and has a white polo in the inner. Black shoes and black slacks at mukhang kagagaling lamang ito sa school.

"Auntie, maniwala po kayo, 'di ko po ninakaw ang perlas niyo," pagkumbinsi ni James habang nakaluhod at sinasangga ang mga damit na tumatama sa kaniyang mukha. Namumuo na rin ang butil ng luha sa magkabilang mata nito.

"Anong 'di ninakaw?! Nakita ko ang kuwintas ko sa tukador mo tapos sasabihin mong hindi mo ninakaw?! Alam mo?..." huminga saglit ang tiyahin niya,"Malaki ang respeto ko sa'yo kasi anak ka ni Ate. Binigay ko sayo lahat ng kailangan mo. Binigay ko sa'yo buong atensyon ko na halos makalimutan ko na ang mga anak ko, tapos ito lang ang igaganti mo?!" dagdag na saad niya. Kitang-kita ang mga namumuong ugat sa leeg ng ginang.

Sa bandang gilid naman ay makikita ang naka-crossed arm at nakatayong hunk na binata na may taas na 6ft habang nakangising tinitingnan ang pinapagalitan na nakaluhod niyang pinsan. He has the looks of an american breed. Sa kanan nito ay isang lalaki na mas mataas kunti sa kaniya at hindi nalalayo sa kaniyang kakisigan. Nagsalubong ang light brown nitong kilay at napakatalim ng mga mata kung makatitig kay James. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ng matalik niyang kaibigan/pinsan.

"Auntie, parang awa niyo na. 'Wag niyo po akong palayasin. Wala po akong matitirhan," Nakayapos ang mga kamay nito sa tuhod ng kaniyang tiyahin habang nakatingala. Bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa. Pilit naman na kinakalas ng kaniyang tiyahin ang mga palad nito.

"11 years old ka nang kinupkop kita kasi namatay sila Ate. Ang laki ng sakripisyong ginawa ko sa iyo. Sana inisip mo muna ang mga kabutihang ginawa ko sa'yo bago mo ginawa iyon," panunumbat na saad ng ginang.

"Hindi ko na po uulitin Auntie. Basta't 'wag niyo lang akong palayasin," nginodnod niya ang mukha sa tuhod ng tiyahin. At dahil dito ay gulong-gulo na ang kaniyang korean style black hair na may pahiwa-hiwa sa gitna. Tumatabon na sa kaniyang paningin ang magulong buhok nito.

Labag man sa loob niya ang paghingi ng tawad ay ginawa niya nalang kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Kailangan niyang magpakumbaba at magmakaawa alang-alang sa kaniyang tirahan, lalo na't nag-aaral pa lamang siya sa 2nd year college. Sila nalang ang natitirang kamag-anak niya at kung palalayasin siya ay baga mamumulubi siya sa kalsada.

"Mommy, don't listen to him. A thief will always be a thief. Baka gawin niya ulit ang ginawa niya ngayon if you will let him stay here. The least we could do is to make this trash sent away," a mad face of James cousin exploded. Agad itong lumapit sa puwesto ni James at kinalas ang mga kamay. Pilit naman niyang ginagapos ang mga kamay sa tuhod ng tiyahin.

"No! Auntie, 'di ko na po uulitin. Promise po!"

"I'm sorry James but you have to leave this house," matigas na saad ng tiyahin niya.

Dahil sa iritang nararamdaman ng pinsan niya ay hinablot nito ang kaniyang buhok na siyang nagpakawala sa mga nakapulupot na kamay sa tuhod ng kaniyang tiyahin. Napahawak ito sa kamay ng pinsan dahil pakiramdam niya ay nababanat ng husto ang kaniyang buhok sa higpit nitong humawak.

Patpatin siya, samantalang, malaking bulas ang kaniyang pinsan. Alam din niya sa sarili na matagal na itong may galit sa kaniya at maaaring ito ang may kagagawan ng pagwawala ng kaniyang tiyahin. Kinaladkad siya nito palabas sa kanilang gate. Gusto niyang bumangon kaso sa tuwing sinusubukan niya ay sinisipa siya nito. Nagpipigil nalang siya sa pagsigaw at pinipigilang huwag maiyak.

"Manong, open the gate!" saad ng kaniyang pinsan. Nang mabuksan ang gate ay binalibag siya nito palabas. Halos mapasubsob siya sa semento. Agad ding dumating ang kaniyang matalik na pinsan. Akala niya ay kakampihan siya nito ngunit hinagis sa mukha niya ang natitira nitong damit.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now