48

617 96 2
                                    

"Wala na bang ibang darating dahil lalakwatsa na agad tayo?" tanong ni Lux. Nagkatinginan ang mga tao at sinusuri kung may kulang pa ba.

'Layla, maaari mo bang bilangin kung 100 na ba sila lahat?'

Oo, naman, walang problema iyon.

Analyzed...

Counting people within the vicinity...

Tanging si Lux lamang ang nakakita sa transparent na energy na kumalat sa lugar.

Counting completed.

There are 100 people here excluding you.

Tumango-tango si Lux. "Ngayong kompleto na tayo ay maaari na tayong pumunta sa aming lugar." Agad lumitaw sa harapan nila ang itim na lagusan. Nakita pa ni Lux ang pag-aksyon nila na para bang may kalaban.

Binuka niya pahalang ang dalawang braso. "Teka lang... Ako ang may kagagawan niyan! Walang kalaban!"

"I-Ikaw ang may gawa niyan?" hindi makapaniwalang saad ni Shane. Nagtatanong ang kanilang mga mata kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Tumango siya. "Huwag kayong mangamba. Iyan ang daan patungo sa aming lugar. Hindi kayo makapapasok sa village namin kung hindi natin ito gagamitin."

"Sigurado ka bang hindi mo kami ipapahamak? Baka patibong iyan?" saad ni Andre.

Nakita niya ang pangamba, pagkalito, at pagkagalit sa mga ekspresyon nila. "Alam kong pinaghihinalaan niyo ako pero masisiguro ko sa inyong mabuti akong tao. Wala akong intensyon na saktan kayo."

Kunot noong sumabat ang matandang lalaki. "Bigyan mo kami ng iilang impormasyon sa katauhan mo."

Napabuntong hininga siya. 'Gagawin ko ito para sa ikagagaan ng kanilang pakiramdam.'

"Ako si Lux Kampio at nakatira sa Flora Village. Ako ang naatasan ng aking Ama na si Kapitan Elizar at ng mga elder para mamuno pansamantala sa aming lugar dahil may importante silang pinuntahan. Okay, na ba sa inyo iyon?"

"Flora Village?... Hindi ba't isa iyong lugar ng mga dukha na adventurer? Papaano na ang kagaya mo ay nakapagpalabas ng kayraming gold coins?"

Hindi mapigilan ni Lux na makaramdam ng inis sa matandang lalaki dahil sa pang-iinsulto nito sa kanilang angkan. Pero kahit na gano'n ay sinubukan niya pa ring kontrolin ang sarili dahil alam niyang nasa alanganing sitwasyon siya ngayon. Gusto niyang makubinsi ang lahat na hindi siya masamang tao.

"Tama kayo... hindi kami kagaya ng mga aristocrat family o ng noble family. Pero kahit na gano'n ay may mabuti kaming puso. Pangarap ko na iahon sa kahirapan ang aming angkan at kayo lang ang makatutulong sa akin dahil kayo lang ang nagtimpi, nanatili, at naniwala sa akin. Sana sa sandaling ito ay paniwalaan niyo na naman ako na wala akong intensyon na masama sa inyo. Hangad ko lamang ang ngiti at kaginhawaan sa lugar namin."

"Mukha naman siyang mapagkatitiwalaan. Nakaya nga niyang magtiwala sa atin na pauwiin tayo kahapon kahit na may posibilidad na hindi na tayo babalik."

"Tama siya, nararamdaman ko naman sa kaniya na mabuti siyang tao kaya magtiwala nalang tayo at sundin ang kaniyang gusto. Gayonpaman, siya na ang ating amo ngayon kaya dapat lang na pagkatiwalaan natin siya."

"Hindi ko kayo pipilitin na sumama sa'kin pero kung naniniwala kayong mabuti akong tao ay pumasok kayo sa lagusan na iyan." Turo ni Lux sa bilogang itim na enerhiya sa kanilang harapan.

Nagtaas ng kamay si Shane. "Nananalig ako sa kaniya kaya papasok ako at hindi lang ako dahil dalawa kami!" Saad niya habang nakaharap sa mga tao at itinaas ang kaliwang kamay ni Andre. Namilog ang mga mata nito. "Hoy, wala akong sinabing sasama ako."

My Mage SystemWhere stories live. Discover now