29-My Mage System

950 208 13
                                    

Bigla naman natahimik ang ginoo. Bumalik sa kaniya lahat ng alaala niya kung anong sinapit ng kaniyang nakakatandang kapatid sa royalty family.

"Elizar!" tawag ng batang lalaki sa nakababatang kapatid nito. Kung pagbabatayan ang mukha at tangkad nito ay maihahalintulad ito sa isang sampung taong gulang. Nagtatakbo itong lumapit sa nakababatang kapatid.

"Kuya!" tawag ni Elizar sa kaniyang nakatatandang kapatid. Sinalubong nito ang kapatid. Nang magkalapit ay napakalayo ng agwat ng taas nila. Masasabing nasa apat na taong gulang si Elizar.

"Kuya, dala mo na ba iyong mga pills na ginawa ni Inay?"

"Oo, naman. Sigurado akong malaki ang makikita natin dito," nakangiting saad ng panganay na kapatid ni Elizar habang bitbit ang isang basket. Tiningnan pa ni Elizar ang laman nito. Puno ang basket sa iba't-ibang uri ng pills at potions.

Nang makita ang laman ay nagsalita ito, "Tayo na't ibenta ito sa hari!" masiglang saad ni Elizar. At nagsimula na silang maglakad patungo sa palasyo.

Nang makarating sila sa malaking tarangkahan nito ay pinigilan sila ng mataas na sandata ng dalawang bantay na kawal. "Hindi kayo pwede rito bata," maawtoridad na saad ng kawal. Puno ito ng bagsik.

Hindi naman natinag ang magkapatid. "Padaanin niyo kami. Ibebenta namin ang mga pills na ito sa hari," buong lakas na sambit ni Elizar sa dalawang kawal. Puno ng kompyansa ang mga salita nito. Tumawa lang ang dalawang kawal.

"Saan niyo naman napulot iyan bata?" natatawang saad ng kawal na malapit kay Elizar. Banda nasa kanan siya.

"Gawa ito ng Ina namin. Ito ang pinaka-epektibong pill sa buong Azure Kingdom. Bihira niyo lang ito makita kaya padaanin niyo na kami," hambog na saad ni Elizar. Galak itong ibinahagi sa dalawang kawal ang imbensyon ng Ina niya.

"Talaga ba? Kung ganoon kaya ba nitong gamutin ang malalim na sugat?" nakangising saad ng isang kawal malapit sa kapatid ni Elizar. Ngising may binabalak.

"Oo, naman. Gusto niyo subukan niyong sugatan ang sarili niyo at inumin niyo ang pill na ito. Makikita niyong gagaling agad ang sugat niyo," kompyansang saad ni Elizar.

Nagkatinginan ang dalawang kawal. Ngumisi sila ng nakakaloko.

"Talaga ba?" malademonyong ngisi ng kawal malapit kay Elizar.

"Opo!" masiglang saad ni Elizar.

"El, balik nalang tayo bukas," mahinang saad ng kapatid nito. Masama na kasi ang kutob nito sa dalawang kawal.

Hindi kasi ito iyong laging bantay rito na laging nakikita ng magkapatid. Kilala na kasi sila ng dating bantay rito at agad na silang nakapapasok, hindi kagaya ngayon.

"Pero, nandito na tayo..." ayaw paawat ni Elizar.

"Tayo na," mahinahong saad ng kapatid ni Elizar pero puno ito ng awtoridad sa kaniyang nakababatang kapatid. Pagkasambit nito sa kaniyang mga salita ay tumalikod agad ito.

Susundan na sana ni Elizar ang kapatid nang mapahinto dahil nagsalita ang isang kawal malapit sa kaniyang Kuya.

"Hindi ka na makakabalik rito. Haha!" mapaglarong saad ng kawal malapit sa kaniyang Kuya. At doon nakita ni Elizar ang isang spear na pabulusok sa likod ng kapatid niya.

"Kuya!" sigaw ni Elizar. Bago pa makalingon ang kaniyang kapatid ay tumarak na sa likod nito ang matalim na punyal ng spear. Bumagsak sa sementadong daan ang kaniyang Kuya at nagsusuka ng dugo.

"Kuya!" mangiyak-ngiyak nitong saad habang tumatakbo palapit sa kaniyang kapatid. Inakay niya ang duguang katawan nito.

"E-El..." mahinang saad ng kapatid nito. Puno ng dugo ang bibig at may ilan pa na tumutulo. Tumawa ang dalawang kawal.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now