2-My Mage System

2.3K 225 114
                                    

Agad pumasok sa village ang tigre at bumungad ang libo-libong mga kubo na iisa lang ata ang disenyo. Kahit napakasikat ng araw ay hindi pa rin ito hadlang para hindi kuminang ang mga sari-saring bato na nakaburda sa mga kubo.

Makikita ang kayraming elf sa paligid. Magarbo ang kanilang kasuotan na napapalibutan ng mga nagkikislapang mga bato. Matangos ang ilong, maputi at napakinis ng mga balat.

Merong nagtatawanan, nagsasayawan, at mga batang naghahabulan. Pero nang makita nila ang presensya ng tigre ay agad silang napahinto.

Tinitigan nila ang kagat-kagat nitong tela na may isang bagay sa loob. Lumusot ang kanang paa ng sanggol at doon nanlaki ang kanilang mga mata.

"I-Isang sanggol! Saan nakuha ni Timere iyan?" saad ng matandang lalaki gamit ang salitang elf. Nagkaroon ng bulungan sa paligid. Ang iba ay nagtaka, natakot, namangha, at halo-halong emosyon.

Naglakad ang tigre hanggang sa napahinto ito sa isang malaki at magarbong kubo na naiiba sa mga kubo sa village. Pumasok siya sa loob at bumungad sa kaniya ang babaeng elf na may mala-porselanang balat. Matangos ang ilong, suot ang hapit na red dress na napalilibutan ng nagkikislapang mga bato, at may maamong mukha ngunit naglalabas ng maawtoridad na postura. Umalon-alon ang pink nitong buhok hanggang puwetan.

"Saan mo nakita iyan Timere?" mahinhing saad ng babaeng elf

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Saan mo nakita iyan Timere?" mahinhing saad ng babaeng elf. Siya ang pinuno ng village nila na kung tawagin ay Dobby.

"Nakita ko siya sa hilagang bahagi ng forbidden forest, Rufeanna. Pero hindi ko alam kung paano siya nakarating doon," saad ni Timere sa pinunong elf. Kahit magkaibang lengwahe ang binibigkas nila ay nagkakaintindihan pa rin ang dalawa.

Dahil ito sa mahika ng babaeng elf. Binigyan niya ng enkantasyon ang tigre para maintindihan nito ang kanilang lenguwahe.

Napakunot noo ang babaeng elf at nagsalita. "Papaanong may nakapasok na nilalang dito sa sentro ng forbidden forest? Hindi kaya't isa itong sanggol galing sa langit?"

"Hindi ko naramdaman ang pagdating ng kaniyang presensya. Kung hindi ko siya nakita kanina ay hindi ko malalamang may nakapasok dito sa sentro ng Illicitus ng hindi ko nalalaman," saad ni Timere.

"Hmm. Kahit ako ay hindi nakaramdam ng kakaibang presensya. Marahil ay may gustong iparating ang diyos sa atin," kunot noong saad ni Rufeanna habang nakatitig kay James.

Umatungal si Timere. "At ano naman iyon? Baka ispiya ito na pinadala nila para tayo ay tapusin. Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa nilang pagkulong sa atin dito!" galit na saad nito.

Napabuntong hininga si Rufeanna at hinawakan ang noo ni James. "Wala siyang kahit na anong kapangyarihan."

Umatungal si Timere. "Anong gagawin natin sa kaniya? Papatayin na ba natin ang sanggol na ito?"

"Huwag! Ako na ang bahala sa sanggol." Agad kinuha ni Rufeanna si James kay Timere.

Umatungal ng nakakatakot si Timere. "Bakit mo siya kukupkopin? Isa siyang ispiya galing sa mataas na mundo at kailangan natin siyang patayin bago pa tayo unahan niyan."

My Mage SystemWhere stories live. Discover now