53

584 90 4
                                    

Nang maubos ang lahat ng mga kawal na nasa ilalim ng lagusan ay agad inimbay ni Lux ang kamay at ito'y kinontrol. Makikita ang napakalaking lagusan na gumalaw patungo sa kabilang banda kung saan may maraming mga kawal.

Maririnig ang sigawan nila nang mapagtantong papapunta sa kanilang banda ang delubyo. Medyo mabagal ang paggalaw ng lagusan dahil sa laki nito. Hindi rin ganoon kadali ang ginagawa ni Lux dahil inirereserved niya ang kaniyang life energy. Masyadong malaki ang nakonsumo niyang life energy kanina ng i-activate ang gravitational force mula sa lagusan.

Walang mahika si Lux na kayang manipulahin ang gravity. Nagawa niya ang bagay na iyon dahil galing iyon sa bangin sa sentro ng Illicitus. Kinontrol niya lamang ang lagusan para hindi agad nitong magbuga ng nakakapangilabot na gravitational force.

Lahat ay nagsitakbuhan at nahirapan si Lux sa paghagilap nila kaya napagdesisyonan nalang niyang lisanin nalang muna ang lugar. Agad nawala na parang bula ang napakalaking lagusan sa himpapawid at dahil may lagusan pa sa ibaba niya ay agad siyang hinigop nito dahil sa gravitational force.

Pagkalamon niya sa lagusan ay agad din itong naglaho. Tila naalerto naman ang mga kawal. Pati si Chief Commander Ozares ay hindi mapakali sa kaniyang puwesto. Kinokonsidera niyang malaking hadlang si Lux kaya siya ay dapat mabahala sa pagkawala nito. Baka bigla itong umatake bigla sa bawat kawal o sa kaniya. Hindi nila ibinaba ang kanilang proteksyon kaya ang nangyari ay nawala ang kanilang pokus sa pag-atake sa hamog.

Biglang lumitaw ang lagusan sa bangin kung saan pinuntahan na ni Lux at iniluwa siya. Bumungad sa kaniya ang napakaraming mga kawal na nagsisigawan at nahihiyawan sa hindi malamang dahilan. Siguro sa takot dahil hindi nila alam kung nasaan sila ngayon. Walang kahit anong makikitang ilaw sa kahit saan bukod sa mga apoy at mahika na nililikha ng mga kawal.

Nandito na sila sa malalim na banda ng bangin kaya hindi na rin nakikita ang ilaw sa bunganga nito sa itaas. Napakatindi ng gravitational force kaya mabilis silang nahihila pababa pero kahit na ganoon ay tila walang katupasan ang lalim ng bangin na ito. Walang nakakaalam kung gaano ito kalalim at kahit na si Lux ay walang alam.

Narinig niya ang sigaw ng isa sa mga kawal, "Nandito siya! Papatayin na niya tayo!" sigaw sa takot nang makita si Lux. Agad ding napansin ng iba ang presensya niya kaya ngayon ay naghihiyawan sila sa takot. Ang iba ay nagpapatapon ng mga atake mula kay Lux para maproteksyonan ang kanilang sarili.

Pero ginagamit lang ni Lux ang lagusan. Bigla siyang mawawala at lilitaw kaya imbes sa kaniya mapunta ang mga atake nila ay sa ibang mga kawal. "Hindi ako ang kalaban! Bakit niyo kami inaatake!" sigaw ng isang kawal na muntik nang matamaan kun'di lang agad nakaiwas sa malaking fireball.

Agad na namang lumitaw si Lux at nagsalita. "Hindi ko kayo papatayin kung susundin niyo ang ipag-uutos ko!" sigaw niya. Kahit ang frequency ng boses ay nadadamay sa paghila paibaba kaya kailangan niyang sumigaw para marinig siya ng kayraming mga kawal.

May isang agad sumagot, "Hindi mo kami maloloko! Sa huli't papatayin mo rin kami!" galit na saad nito. Dahil sa galit ng kawal na 'to ay nagawa niyang magpakawala ng kayraming mga ice spikes sa kinaroroonan ni Lux. Wala itong pakialam kung meron mang madamay basta't mapatay niya lang si Lux.

Para hindi madamay ang iba ay nagpakawala rin si Lux ng mga ice spikes at ginawang counter attack sa mga kayraming pabulusok na ice spikes. Maririnig ang mga pagsabog nang magbangga ang bawat spikes na pinakawalan nila.

Biglang lumitaw ang lagusan sa pinakadulo sa ibaba kung saan ang mga unang bumabagsak na mga kawal. Agad silang dumiretso sa lagusan at nilamon ito. Si Lux naman ay gumagamit ng lagusan para hindi siya madamay sa paghila nito paibaba.

Ilang minuto lang ay wala ng natira sa bangin agad ding nagpalamon si Lux at iniluwa siya roon sa bungad ng bunganga ng bangin. Makikita ang mga kawal. Alam niyang may mga tumakas at wala siyang pakialam doon. Biglang lumitaw ang 200 na lagusan at iniluwa noon ang mga clone ni Lux.

My Mage SystemTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang