19-My Mage System

1.2K 165 8
                                    

"Bakit ngayon ka lang?" galit na saad ni Timere kay Lux.

"Pasensya na. N-Naaksidente kasi ako habang kinukuha ang panghuling halaman sa listahan," nakangising saad ni Lux habang nakakamot sa kaniyang ulo.

"Sige na't matulog ka na," saad ni Timere.

Bago siya pumasok sa kaniyang silid ay tiningnan niya muna ang pinto ng silid ng kaniyang Ina.

"Huwag mong alalahanin ang 'yong Ina, magaan ang loob niya sapagkat ako ang bantay mo. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ka na maging maingat sa paligid mo. Kailangan mo pa ring maging responsable sa kahat ng gagawin mo," napatingin siya kay Timere. Napagtanto niyang tama ang saloobin nito kaya tumango siya at agad na pumasok sa kaniyang silid.

Kinabukasan ay maaga silang pumunta sa gubat.

"Pumunta ka sa hilagang banda ng Illicitus at kunin ang prutas na nagngangalang malus domestica. Isa itong bilugang prutas na may kulay pulang kulay. Malalaman mong nakarating ka na sa hilagang Illicitus kung makikita mo na ito kaya humayo ka na at dapat hindi pa nagtatakip silim ay nakabalik ka na. Kun'di ay may ipapataw akong parusa sa'yo, maliwanag?" saad ni Timere.

Napakunot noo siya sa sinabi nito. "Napakalayo no'n kung lalakbayin ko, mas maayos sana kung kaya kong gumamit na mahika o lakas para mas mapabilis ang aking paglalakbay. Kung tatanggalin mo ang mga pulseras na'to, sigurado akong makakabalik ako, hindi pa man nagtatakip silim."

Umatungal si Timere. "Ano pang silbi ng paglagay ko ng mga pulseras kung tatanggalin lang agad habang nag-eensayo ka pa
? Tandaan mo, ang gawain na'to ay parte lamang para patibayin ang kalamnan at resistensya ng katawan mo. Kaya mas mabuting hindi natin 'yan tanggalin para umusbong ang natural na lakas mo."

Wala na siyang nagawa at tumango na rito. Nagsimula na siyang maglakad. Isang oras na rin ang lumipas at pagod na siya. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis. "Isang kilometro palang ang naabot ko pero ganito na ako kapagod," saad niya habang humihingal. "Magpapahinga na muna ako." Sumandal siya sa malaking puno.

Bakit hindi mo gamitin ang pet mo para madali kang makapunta sa hilaga?

Umiling siya. "Kung gagawin ko iyon, walang pagbabago ang mangyayari sa akin. Gusto kong may matutunan akong aral mula sa pag-eensayo ko kay Timere."

Aba't bumabait ka na ha.

"Mabait naman talaga ako a."

Matapos ang 15 minuto ay naglakad na ulit si Lux. Marami siyang nakikitang mga vicious beast at todo tago ang kaniyang ginagawa. Hanggang sa nakarating siya sa hilaga ng Illicitus. Doon nakita niya ang puno ng malus domestica.

Agad siyang umakyat dito at nanguha ng mga prutas. Kahit mahirap ay tinitiis niya ang bigat ng mga pulseras habang umaakyat. Matapos makakuha ng 100 na prytas ay agad siyang naglakad paalis.

Habang naglalakad ay napansin niyang dumidilim na ang kalangitan. Agad niyang binilisan ang paglalakad. Para siyang zombie, mabilis ang lakad pero wala sa saktong postura. Saguyod ang kaniyang kaliwang binti habang naglalakad.

Nang malapit na siya ay agad niyang kinuha sa inventory ang mga prutas. Inilagay niya ito sa kaniyang suot sa harapan.

"Napakadilim na at dahil diyan may parusa ka," saad ni Timere kay Lux.

Lumipas ang ilang araw ay paulit-ulit lamang ang pinapagawa ni Timere sa kaniya. Habang tumatagal ay nasasanay na rin siya sa bigat ng mga pulseras. Kahit papaano ay nakakaya na niyang makatakbo pero hindi ganoon kabilis.

Dumaan pa ang ilang araw at hindi niya namalayan ay wala na siyang nararamdamang bigat mula sa mga pulseras. Nagagawa pa nga niyang magbuhat ng mga mabibigat na bagay na pinapabuhat sa kaniya ni Timere.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now