6-My Mage System

1.6K 172 23
                                    

"Oo nga pala, curious talaga ako sa nakaraan mo. Maaari mo bang ikuwento sa akin? Napaka-unfair naman kasi dahil alam mo ang buhay ko noon, pero wala akong alam sa iyo."

Sige, wala namang mawawala kong malalaman mo. At saka, iisa na tayo kaya kailangan ko ring sabihin sa iyo ang buhay ko noon.

Noon, isa lamang akong maliit na bolang enerhiya na nagliliwaliw kung saan-saan. Hindi ko rin alam kung saan ako nanggaling basta't iyon na ang naaktuhan ko.

Wala akong katawan pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nagugutom. Kumakain ako pero hindi laman ng tao o hayop, kun'di enerhiya ang nagpapanatili sa aking buhay. Habang humihigop ako ng enerhiya sa aking paligid ay parang bumukas din ang aking conciousness.

Nalaman ko kung nasaan ako at ang mga nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Siguro, dahil sa enerhiyang nahihigop ko kaya nagkaroon ako ng muwang sa aking paligid?

Nalaman kong nasa lugar ako kung saan patay ang mga kasama ko. Pero hindi lang ordinaryong patay ang mga nasa paligid kun'di ay mga labi ng mga diyos. Kahit patay na sila ay may natitira pa ring mga enerhiya sa kanilang mga labi at iyon ang hinihigop.

Nalaman ko ring matagal na pala akong nabubuhay sa lugar na iyon hanggang sa nasaksihan ko talaga ang tagal ng aking pagtira roon. Nasilayan ko ang milyong taon na pagtira ko roon. Habang tumatagal ay nagiging iba ang kaisipan ko na para bang isa rin akong tao o diyos. Na-adapt ko ang buhay ng mga diyos noong sila ay nabubuhay pa.

Dahil sa enerhiyang nahigop ko ay nagkaroon ako ng kapangyarihan katulad sa mga kakayahan ng mga yumaong diyos. Masasabi kong mas malakas pa ako sa mga diyos doon noong nabubuhay pa sila.

Dumating ang araw na nakaramdam ako ng pagka-inip. Gusto kong makaalis sa lugar na iyon pero hindi ko alam papaano. Kaya ginugul ko na lang ang oras sa paggawa ng mga bagay-bagay para patayin ang nararamdaman kong pag-iisa.

Nalimutan ko rin na isa na pala akong diyos kaya hindi ko inaasahan na ang mga ginagawa kong bagay ay isa palang divine artifact. Ang naalala ko ay binigay ko ang mga kapangyarihan ko sa bawat artifact.

Hindi naging madali ang paggawa ko ng isang divine artifact dahil halos maubos ang kapangyarihan ko. Umabot din ng ilang milyong taon ang pagbuo ko sa mga artifact. Kapag nararamdaman kong nauubos ang lakas ko ay humihigop ako ng enerhiya sa kapaligiran.

Dumating ang hindi ko inaasahang pagkakataon. Nakakita ako ng isang kagaya ko. Isa rin itong dilaw na bolang enerhiya at dahil sa kuryosidad ko ay sinubukan ko itong hawakan. Dumilim ang paningin ko hanggang sa nalaman kong nasa katawan mo na ako. Kasabay ng pagkawala ko sa lugar na iyon ay ang pagkawala ng kapangyarihan at alaala ko.

"Grabe ang OP mo siguro ng mga panahon na iyon. Hindi na ako makapaghintay na maging OP din," sambit niya 'tsaka tumawa. Narinig niya ring tumawa si Layla.

"So, ang kuwintas na ito ay totoo talagang divine artifact?"

Oo.

"Ano ba ang kayang gawin ng kuwintas na ito?"

Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Sinabi ko kanina sa iyo, nawala ang mga alaala ko at iilan lang ang naalala ko.

"So, anong gagawin ko rito?"

Basta't gawin mo muna ang blood contract.

Ginawa na nga niya ang blood contract. Sinugatan niya ang daliri at pinatakan ng dugo ang kuwintas.

"Nagawa ko na tapos ano'ng gagawin ko?"

Hawakan mo ang kuwintas.

"Sigurado ka?" kinakabahang saad niya. Kanina kasi napaso siya kaya baka mangyari ulit iyon.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon