8-My Mage System

1.3K 163 63
                                    

Agad niyang kinuha ang magic core at meat ng horn wolf.

[Obtained one 2nd grade magic core]
[Obtained one 2nd grade meat]

Naglakad siya palapit sa usa at kinuha rin ang magic core at meat nito.

[Obtained one 2nd grade magic core]
[Obtained one 2nd grade meat]

"Magkano ang makukuha ko rito?"

Kapag ibeninta mo ang 2nd grade, makakakuha ka ng 100 diamonds, samantalang, kung gagamitin mo ito makakakuha ka ng 1000 exp points.

"Teka lang bakit noong mapatay ko ang horn wolf ay 10,000 exp points ang bigay pero mismong meat nito ay 1,000 points lang?"

Wala ka namang gagawin kung i-consume mo ang meat. Para ka lang kumakain nito. Tsaka, may makukuha ka namang lakas sakali kumain ka ng meat pero nakadepende pa rin ito sa kung anong meat ang kakainin mo.

"Masubukan nga kung anong lasa nila." Napunta siya sa inventory. Pinindot niya ang consume sa meat ng kuneho at agad pumasok sa kaniyang katawan ang meat nito.

"Lasang baboy na barbeque. Masarap siya. Ganito rin kaya ang lasa ng kuneho sa earth?"

Obtained 100 exp points!

Sinunod niya ang meat ng horn wolf. "Same lang pero mas malasa siya kaysa kanina."

Obtained 1,000 exp points!

Agad din niyang sinunod ang meat ng usa. "Mas masarap ito kunti sa horn wolf," sambit niya habang ngumunguya at napapikit pa na feel na feel talaga ang sarap.

Obtained 1,000 exp points!

Hindi niya alam na natutuwa na pala sa kaniya si Layla dahil na-aadapt na nito ang buhay rito sa Thronus.

Iba ang lasa ng meat niyo kaysa rito kahit na magkapareho pa sila ng uri.

"Paano mo nasabi?"

Pakiramdam ko lang. Parang sinasabi ng utak ko na gano'n. Siguro isa sa diyos na nahigop ko noon ay nakapunta na sa Earth... Tsk. Ang hirap talaga 'pag hindi muna tanda ang mga nakaraan. Kung makukuha mo lang iyong [Never-ending Memory] na skills ko noon, sigurado akong masasagot ko lahat ng katanungan sa mundong ito.

Napatawa siya. "Parang sinasabi mo na rin na isa kang diyos!"

Hmph! Bakit diyos naman talaga ako dati a!

Huminto na siya sa pagtawa. "Oo, na, ikaw na ang diyos. Teka lang... Pakiramdam ko parang bumalik ata ang lakas ko. Dahil ba iyon no'ng kinain ko ang mga meat?"

Oo, hindi lang ito nagbibigay ng exp points sa'yo, kun'di nagbibigay rin ito ng lakas. Para lang itong pagkain, nagkakaroon ka ng lakas sa tuwing kumakain ka.

"Gano'n pala 'yon."

Teka lang... Ba't ba ako nagpapaliwanag sa'yo e, alam mo naman iyon. Ginagawa mokong tanga!

"Sorry na, minsan nalilimutan ko kasi," at humagikhik.

Tiningnan niya ang diamonds sa panel. 1,520 diamonds(+). Napangiti siya. Agad siyang pumunta sa shop at binili ang fire magic.

Successfully bought level 1 fire magic!

"Yes." Nagtatalon siya sa tuwa.

Binasa niya ulit ang nakasulat kung anong kaya nito.

Fire Magic
Level 1 Basic Magic
Price: 1,000 diamonds(SOLD)
Description: Can cast weak fire ball in a short range. Can cast 10 fire arrows at one blow. As the level increases, so does of the capabilities of wielding high fire magic. Consumes 10 life energy every blow.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now