36-My Mage System

698 107 2
                                    

Agad dinaluhan ni Lux ang tatlo. Hinawakan nito ang mga palapulsuhan nila. "Mabuti nalang at humihinga pa sila." Agad binuka ni Lux ang mga palad at lumabas ang kumikislap na berdeng dahon.

Nang dumapo ito sa katawan ng tatlo ay agad ding naghilom ang kanilang pasa at sugat. Hindi kalaunan ay unti na ring nagigising ang tatlo. Wala na ring suot si Lux na kapa at tanging tela nalang na lagi niyang suot. Isang asul na pang-ibaba na hanggang sa tuhod at isang asul na pang-itaas.

Unti-unting minulat ng tatlo ang kanilang mga mata.

"Anak?"

"Lux?" sambit ng dalawang elder.

Bumangon ang tatlo at ng makita ang paligid ay agad silang naalerto. "Huwag kayong mag-alala dahil niligpit ko na sila Kapitan Zoro."

Hindi naman naniwala ang tatlo dahil nga isang bata pa si Lux at sa kanila ay napakalayo ng agwat ng lakas nito sa kalaban lalong-lalo na ang kapitan nito.

Tumawa si Lux. "Alam kong hindi kayo naniniwala kaya ipapakita ko sa inyo pero sa ngayon..." Biglang lumitaw ang lagusan. Agad naman naalarma ang tatlo.

"Huminahon lang kayo. Ako ang may kagagawan niyan. Dadalhin ko muna silang lahat dito." Agad tumalon si Lux sa lagusan. Nanatiling walang kibo ang tatlo sa nasaksihan.

Alam ni Kapitan Elizar na kakaiba si Lux pero nagdadalawang isip pa rin siya kung natalo nga ba nito ang kalaban ng mag-isa lang. Hindi nagtagal ay lumitaw ulit ang lagusan at iniluwa no'n ang kayraming Floranians.

"Mahal!" sigaw ng asawa ni kapitan.

"Mahal!" Agad nagyakapan ang dalawa. Masayang nagtitipon ang lahat at nagpasalamat kay Lux.

"Ngayon, maayos na ang lahat. Hayaan niyo akong ipakita sa inyo ang mga lapastangan na lumusob sa ating lugar." Lumitaw ang malaking lagusan sa itaas at hinulog doon ang anim na nilalang. Dinig din ng Floranian ang sigaw nila sa pagkakahulog.

Bumagsak ang anim at bakas sa mukha nila ang matinding pagkabugbog. "Totoo nga!" Sa una ay hindi makapaniwala ang lahat. Akala nila nagsisinungaling lang si Lux pero nang makita ang ibedensya ay lumaki ang respeto nila sa anak ng kapitan.

"Itay, maaari bang ako ang magsampa ng parusa sa kanila?"

"Ikaw ang nakatalo sa kanila kaya pinapayagan kita." Sumang-ayon din ang lahat.

"Dahil may lakas kayong lumusob sa lugar namin kaya natitiyak kong may lakas din kayong harapin ang parusa niyo. At bilang parusa niyo ay kukunin namin ang kalahati sa inyong lupain at kayo ay magbabayad ng sampung milyong gintong barya. Naiintindihan niyo ba ako?"

Para namang binagsakan ng lupa ang anim. Masyadong mabigat ang hinihingi nito at kahit kabilang sila ng Democrat Family ay hindi nila kayang magtae ng ganon kalaking pera sa madaling panahon.

"Bingi ba kayo?! Gusto niyo bang ibalik ko kayo roon?!"

Nabahag naman ang buntot ni Kapitan Zoro at agad nagwika, "H-Huwag! Papayag na ako." At iyon nga meron silang pinirmahan na kontrata. Pinatakan ng dugo ng dalawang kapitan ang kontrata at kapag hindi tinupad nito ang sinasaad ng kontrata sa petsa na nakasaad ay mamamatay si Kapitan Zoro.

"Ngayong nakuha na namin ang aming bayad niyo ay maaari na kayong umalis," saad ni Lux.

Mas mabilis pa sa aso na nagsitakbuhan ang anim. Sa puso't isipan nila ay hindi nila matanggap ang kahihiyan na dinanas nila at babawi sila sa Floranian lalo na kay Lux.

Nagdiwang naman ang Floranian. Sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanilang teritoryo ay bumawi naman ang panahon at lubos-lubos pa.

Nagdaan ang ilang buwan at maayos na naibalik sa normal ng Floranian ang kanilang lugar. Masaya na ulit silang naninirahan na walang gulo mula sa ibang karatig lugar. Syempre hindi rin mawawala ang pagbigay gantimpala kay Lux.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon